Araw ng mga puso

0 48
Avatar for rosienne
2 years ago

Ano ang unang pumapasok sa isip nyo kapag sumasapit na ang araw ng mga puso? Ang Valentines day ba ay para lamang sa mga magkasintahan? Ano sa tingin ninyo?

Ayon sa aking nabasang artikulo ang Araw ng mga puso ay pagdiriwang ng kapistahan ni San Balentino. Si San Balentino ay isang pari at naging Santo eksakto sa araw ng mga puso. Galing ang araw ng mga puso sa paganong pagdiriwang na Lupercalia kung saan nagsasayawan at nag-iinuman ang mga tao. Sa pamamagitan ng pag-alay ng bulaklak, kard at donasyon ay ipinapahiwatig nila ang kanilang pagmamahal sa kasintahan, kaibigan at kapamilya. Sa madaling salita ang araw ng mga puso ay para sa lahat, hindi lang para sa magkasintahan. Ngunit bilang isang kristiyano kami ay hindi nagdiriwang ng araw na ito. Isa itong oportunidad para maipakita mo ang iyong pagmamahal sa isang tao upang maramdaman nya na sya ay espesyal ngunit maari mo itong iparamdam araw-araw hindi lang tuwing araw ng mga puso. Huwag ka ng maghintay ng mga espesyal na araw upang maipadama mo ang iyong pagmamahal sa mga tao dahil pwede mo itong gawin araw-araw. Gawin mo hanggat pwede pa at kaya mo pang gawin dahil baka magsisi ka kapag wala ng pagkakataon para masabi mo ang iyong nararamdaman.

Marami na naman akong nakikitang nagbebenta online ng mga chocolate at bulaklak, ito ay tanda na malapit na nga ang Valentine's Day! Naalala ko noong highschool, tuwing araw ng mga puso ay gumagawa kami ng Valentine's card bilang project namin sa subject na Arts. Pagandahan ng mga puso at cards upang makakuha ng mataas na marka. Noong nagtatrabaho na ako ay nakakatanggap din ako ng mga bulaklak, teddy bear, chocolate at mga cards. Magaan sa pakiramdam na nakakatanggap ka ng mga ganitong bagay dahil nararamdaman mong espesyal ka.

Ang araw ng mga puso ay eksaktong araw din kung kailan ipinanganak ang kapatid ko kung kayat kami ay nagdiriwang ng kanyang birthday at hindi ng Valentine's day. Sa ngayon ay hanggang kumustahan na lang muna kami via messenger/video call dahil sa pandemic at malayo kami sa isa't-isa.

Sa mga nagdiriwang tuwing Valentine's Day, sana ay maayos nyong maganap ang inyong mga paghahandang sorpresa para sa inyong mga mahal sa buhay. Walang masama kung ipagdiwang ninyo ito ng bongga basta kaya ng bulsa. Ito ay tanda ng pagmamahal sa iyong kapareha, kaibigan at kapamilya.

Advance Happy Valentine's Day sa inyong lahat!

1
$ 1.72
$ 1.72 from @TheRandomRewarder
Avatar for rosienne
2 years ago

Comments