Nung bata pa ako naalala ko lahat ng hirap na pinagdaanan namin grandparents ko at mga tito/tita ko.
Araw araw nun gumigising kami ng maaga kasi maraming gagawin, tumutulong kami sa lola at lolo namin sa bukid. Sapag tatanin ng palay gulay prutas at pati pag aani narin. Araw-araw kami bumabalik balik sa taniman ng palay (kaingin namin) para magdamo. Nagtatanin din kami ng kamuti. Yung mga ginagawa naming yun sa pagtatanin sinasabayan namin ng laro kaya habang nakkaatulong kami nag eenjoy parin kamin bilang bata. Wala akong masasabi sa lolo at lola ko na nagpalaki sakin. Sobrang masisipag at matsatsaga talaga sila at mahal na mahal ko sila. Namimiss ko na nga sila. Hahay.
Ganun paman nakakamiss talaga ang buhay sa bukid, bukod sa sariwang hangin at mga huni ng ibom maririnig mo sa umaga, wala pang stress. Ang saya at ang sarap mamuhay sa bukid.
Gusto ko maranasan magtanim. Laking manila kasi. Mahirap ba?