read.cash Log in
@re-joyce more from that month

π‹πˆπ“π„π‘π€π‘π˜ | β€œπŒπš, 𝐏𝐚, 𝐩𝐚𝐠𝐨𝐝 𝐧𝐚 𝐩𝐨 𝐚𝐭𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐚𝐀 𝐧𝐒𝐲𝐨.” Humahantong na ako sa puntong gusto ko na lamang huminto at itangis ang lahat ng mga presyon sa kabila ng pagpapakahirap sa mga bagay na akin ngayong pasan-pasan, kasabay sa pagtanong sa 'king sarili kung patuloy ko parin bang bibit-bitin itong mga pangarap katumbas ang napakabigat na mga pasanin. Batid kong sa pagsugal ko at sa pagpasok sa katayuan bilang isang estudyante ay sumumpa akong kakayanin ko ang bawat hamon na aking haharapin na siyang aking mga hinabilin sa mga palad ng aking mga magulang hanggang ipinabaon ang mga pangarap na gusto kong makamtan at gusto nilang masilayan sa akin. Batid ko at batid nilang sa umpisa pa lamang na ang pag tungtong sa kolehiyo ay ang isa na sa pinakamahirap na aking lalakbayin bilang isang determinadong mag-aaral. Hanggang sa umabot na ako sa puntong tinatanong ko na ang aking sarili. "Kaya ko pa nga ba?" Nagiging pang araw-araw ko ang mga katagang "kaya ko pa nga ba?" Sa kabila man ng iba't-ibang mga hamon na aking nararanasan habang dala-dala ang mga pasanin,aking bibit-bitin at iraraos ang aking pag-aaral, panindigan ang mga bagay na gustong makamtan ng aking mga magulang. Gayunpaman, ito ang nagiging presyon na tila hindi ko na kayang pasanin pa. "Susuko na nga ba ako?" Nasa punto na ako na iniintindi ang mga bagay kung tunay na nga ba akong susuko at ilapag sa sahig ang mga bagay na aking pasan-pasan. Kasabay ng pagbuhos ng ulan ay ang pagbaybay sa maingay na eskeneta sa dapit hapon pauwi patungong tahanan ay maririnig ang mga mahahalimuyak at marilag na mga katagang galing sa iyong ina... "Anak ko 'yan" "Malapit nang magtapos 'yan sa kolehiyo!" "Puhon, magiging propesyonal din namin iyan!" Muli na naman akong nabaon sa presyon. Umaasang baka sa susunod kong pag-uwi sa aming tahanan ay hindi na uniporme ang aking suot, bagkus isa nang itim na toga bitbit ang diploma. Sa mga puntong ito, nadagdagan na naman ang aking mga pasanin na responsibilidad na sa kasabay sa nalalapit kong pagsuko'y una akong magiging talunan sa mata ng aking mga magulang. Labis na akong napapagod sa mga aking responsibilidad at wari ko'y nawawala na ang init ng aking diwa sa mga bitbit kong mga pangarap. Parang ayoko ng pagpuyatan muli ang mga asignatura at ibigay ang natatanging kakayanan sapagkat tila ako'y tuluyan nang nanghihina't nawawalan ng pag-asa. Subalit pa'no kung tunay akong maging talunan dahil sa pagsuko? Hindi lang pangarap ang maidadala ng hangin kundi ang pag-asa sa mata ng aking mga magulang. Minumulat ako ng reyalidad na kasabay sa aking mga pasan-pasan sa buhay, sa aking pag-aaral ay ano pa kaya ang mga sakripisyo ng aking mga magulang para lamang ako'y mapag-aral. Paano ko nga ba magiging rason ang aking paghihirap kung ang nagpapa-aral sa akin ay hindi napapagod na ako'y suportahan? "Ma, Pa, pagud na ata ang anak ninyo?" "Pero dahil hindi kayo napapagod, pipilitin kong huwag nalang din!" "Itatangis ko na lamang ito nang maibsan ang bagay na akin ngayong pasan-pasan!"

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.