read.cash Log in
@re-joyce more from that month

Kasing taas pa rin ba ng saranggolang pinalipad mo noon, Ang mga pangarap mo ngayon? Siguro, may mga pangarap ka ring tinangay ng hangin— May mga bumagsak at hindi na kayang hanapin. Kasing tamis pa rin ba ng kending kinain mo noon, Ang buhay na nararanasan mo ngayon? Baka, sa puntong ito nalalasahan mo na ang pait— At hindi na kayang idaan sa pag-iyak ang sakit. Pareho pa rin ba ang tingin mo sa mundo? May pagkasabik pa rin bang nararamdaman ang iyong puso? Marahil, ramdam mo nang mailap dito ang pahinga— Ang gabi ay hindi palaging payapa. Ang bilis ng panahon. Ang mga batang sabik tumanda noon— Pagod na ngayon.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.