read.cash Log in
r@razorfist246 more from that month

Nakatunganga sa screen, Iniisip ano dapat gawin. Ano ba magandang post sa Noise? Yung tipong dapat makarelate ang Pinoy-s. Wala talaga, gagawa na lang ba ng tula? Pero di ko kaya yung may mga matatalinhagang salita. Simple lang kaya kong gawin, Basta ba'y ma-gets niyo aking nais maiparating. Mga makabagbag damdaming sitwasyon, Siguro magandang topic na rin yun. Pero ano naman ba aking isusulat? Kung isip at damdamin ko may ibang hanap. Ayun! Tama, parang pwede nga, maganda. Tula tungkol sa tunay kong nadarama. Hinahanap ng isip at puso, may sense naman siguro. Baka sakaling makagawa na ako ng tulang magugustuhan niyo. Pero teka lang, wait a minute, Ano 'tong nagawa ko? ang kulet. Para na siyang isang tula Na medyo mahaba haba. Eto na lang post ko, salamat sa nagbasa. Problema ko kanina ngayon may solusyon na. Yung tungkol sa nadarama ko? siguro next time na. Pasensya na kung iyon gusto niyo na mabasa. Hahaha, hirap mag-isip ng ipopost eh, kaya kung ano ano na naman sinubukan. Magandang hapon o gabi sa inyong lahat. ✌😅

4 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.