read.cash Log in
r@razorfist246 more from that month

Magandang hapon mga kaNoise. Finally. Natapos na rin ang mahabang proseso ng paggawa ng aming homemade tabliya (tabrilya tawag nito sa amin). Hehe😁 Madami dami rin nagawa ko this time. Pwede na imbakin ang mga ito at gamitin sa paggawa ng champorado at chocolate drink. Minsan inuulam ko rin to. Kinikidkid ko at ginagawang toppings sa kanin. Dagdagan pa ng powdered milk at meron ka ng nakakabusog na pagkain na parang dessert na rin. πŸ˜… Maganda talaga meron sariling mga tanim sa.likod bahay. Marami pa bunga cacao namin so baka after 2 weeks makapagipon ulet ako ng sapat na seeds para gawing tabliya.πŸ‘πŸ˜

6 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.