Buong araw walang kuryente sa amin, kaya ito, kung ano ano na naman naisipan kong gawin. Sinubukan kong gumawa ng tula, pero as expected, kapag walang talent, kailangan double effort. And dahil hindi naman talaga ako manunulat, piniga ko talaga utak ko dito. Ganun pa man eto yung nagawa ko. Pagpasensyahan niyo na at wala rin yang pamagat. "Hindi kita kayang mahalin Dahil ikaw ay malayo sa akin Huwag mong aakalaing Ikaw lamang laman ng puso ko Di ka man lang sumagi sa isip ko Nitong mga araw na nagdaan Huwag na huwag mong iisiping Ikaw lamang tumatakbo sa utak ko Ikaw ay kakalimutan ko na Kapag di na kita masilayan at makita Hindi naman kasi talaga Sa mata ko ikaw lamang ang maganda" So eto na yun... parang ewan lang.. hehe.. pero try niyo basahin mula sa pinakababa, pataas.✌😁 Magandang gabi sa inyong lahat. 😊
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
4 comments
Hahaha, poetic ah. Pero naisahan ako.😂
Okay ba? Di na rin naman nakakahiyang i-post dito ano? hehe😁
aba aba hanep may patwist sa dulo 😂 talentado rin naman talagang bata 😂
It's a prank! hahaha 😂