Pangarap ko sya (TULA)

1 14
Avatar for raindrops
3 years ago

This Original Composition by: Raindrops

Mula sa hinagpis at sakit ng aking nakaraan

mula sa yapos ng malupit na tadhana na aking naranasan

akoy bumangon muli at ipinagpatuloy ang bagong yugto na aking lakaran

sa paglipas ng panahon

Ang sakit ng nakaraan ay akin ng nakalimutan

Mga leksyon ay aking ibinaul at dala kahit saan

pero sa isang iglap, eto na naman

nakilala ko sya nang di inaasahan

marikit na dilag na syang nagparamdam

Ng kakaibang tibok sa dibdib na aking nararanasan

sa bawat oras na dumaan, akoy nangangarap habang nakahiga

nangangarap na balang araw makasama sya

oo, pinapangarap Ko sya, mula nong kami'y unang nagkita

nabighani ako sa pungay ang kanyang mga mata

magagandang bibig na kapag ngumiti hindi kayang ilarawan ng kahit na sinong makata

Ang tinig nya ay parang melodiya,

Na nagsisilbing matamis na awit mula sa aking pagtulog at pagmumunimuni sa umaga.

sa aking pagtulog, pagpikit ng mata

muka nya unang una kong nakikita

dinuduyan sa alapaap,

matatamis na eksena sa pakiramdam ay kaysarap

Mga bagay na aking lamang nabubuo sa aking pangangarap

kung akin lamang isusulat ang mga katagang sakanya'y nag-uugat

kulang ang tatlong daan at animnapot limang pahina ng aklat

Ang mga salitang magsasalarawan kanya, Ay kayang bumuo ng isang diksyonaryo

Gamit ang mga matatamis na salita galing sa ibat ibang sulok ng mundo.

sya'y isang perlas na walang katumbas na halaga

Kundi pagibig na di kayang tumbasan ng ginto o pera.

pero paano nga ba?

paano ko aaminin na sya'y aking sinisinta

kung sa tingin palang ng kanyang mapupungay na mata,

Nakakatorpe na!

ako lamang ay buwan at siya ang aking araw,

nanghihingi lng ako ng liwanag at syay nakakasilaw

wag lng sana syang magtago sa kabila ng kanyang planeta

Dahil madilim ako pag wala sya.

Nagsisilbi syang inspirasyon ko sa aking pakikibaka

At patuloy na aasa na balang araw mapansin din nya

Ang aking nararamdamang pag-ibig para sa kanya.

"PANGARAP KITA. NGITI MO PALANG SAPAT NA!"

1
$ 0.00
Avatar for raindrops
3 years ago

Comments

Kamusta kaba Ayan OK ba kitaan naten Jan ayos Yan, wag Lang tayo ng mag copyright kase bababan Nila bgay pag patagal ng patagal Kahit malaki points MO naranasan ko nayan tol kain is nga e pag dika mahilig talaga mag sulat wala Kang maiisip na content Kung ano ano nalang bsta may masulat no hahahaahahahaha Parang Eto Kung ano ano nalang

$ 0.00
3 years ago