Laban Pa (TULA)

0 11
Avatar for raindrops
3 years ago

noong nakilala kita

pintig ng pusoy nagiba

sa bawat araw ay nasasabik na makausap ka

kahit ang oras ay nagiging tinik sa ating dalawa

love ang tawagan natin sa isat isa

isang kataga na ang sarap sa tenga

kasama ng matatamis mong salita

wari'y isang awit na sobrang napakaganda

sa bawat tawag natin sa social media

oras natin ay sadya bang bumibilis at nagiiba

sa bawat i miss you na mga kataga

sa aking pusoy nagsisilbing pampagana

pero sadya ba talagang tadhana ay mapagbiro

sa pagiibigan natin ngayon ay nanlilito

dahilan ay ang dating nakaraan na di mariro

animoy nagbibigay bigat sa ating mga puso

ikaw ang ilaw na nagbibigay sakin ng liwanag

sa araw araw ikaw ay aking hinahanap

na kahit anong nangyari sayo sa nakaraan at hinaharap

ikaw parin ay aking tanggap

laban pa, yan ang aking laging sinasabi

balang araw ito ang magbubunga ng ating ngiti

sa mundong ito sa tingin mo wala kang silbi

pero ikaw ang nagbibigay sigasig sa aking mga labi

sa bawat larawan mo na nakangiti

tilay isang gayuma na nangaakit sa aking pagkalalaki

ikaw ang binibini na pangarap ko makasama hanggang huli

1
$ 0.00

Comments