Thanks in Advance po 🥺

0 21
Avatar for ptrzenvio5
3 years ago

Guys please po SHARE & PRAY 😭😭

Ako po si Patrize Novio pang pito sa sampung mag kakapatid. Sya ang aming Ama na si EDUARDO BALUYOT NOVIO naninirahan sa Sariaya Quezon. Isang Construction worker (FOREMAN) ang papa namin na syang nag tataguyod saming pamilya ng isang araw sa hindi inaasahang pangyayare ay naaksidente sya habang siya ay nasa oras ng trabaho " nakuryente po sya sa live wire na nag tatagalay ng lakas na (20,000 volts) noong pebrero 9 2020 bandang Alas dos ng hapon. Di man kapani-paniwalang nabuhay pa ang tatay ko sa lakas ng kuryenteng dumaloy sa kanyang katawan pero yun ang katotohanan. Mula ng siya ay maaksidente lahat ng meron kamiy unti unting nawala naibenta ang mga kagamitan namin sa bahay para lang ipang suporta sa pang araw araw na aming kakainin, dahil sa nang yare pinaalis narin kame sa bahay kung saan kame namamalagi kaya napadpad ang papa kong may sakit sa kanyang kaibigan at dun namalagi. Sa kahirapan ng buhay ang tanging nagagamit namin sa kanyang panglinis ay nilagang dahon ng bayabas na may asin para malanggas ang sariwa nyang sugat sa paa. ( 3rd degree burn, open wounds) ang kanyang damage sa kaliwang paa. Dahil sa kawalan ng financial nawalan na kami ng pang tustos sa kanyang pang araw araw na gamutan, wala kaming sapat na budget para mabili ang mga bandage, at iba pang pangangailangan nya na kailangan gamitin sa panglilinis ng sugat nya. Sa lahat po ng taong makakabasa nito nawa poy matulungan nyo po kami kahit maliit na halaga lang para muling maipa confine namin ulit si papa sa ospital at ng masubaybayan sya ng mga nurse at doctor. Wala po kasi kaming kakayanang maipagamot si papa dahil sa financial problems 😭😭

Maraming maraming salamat po sa lahat ng may mabubuting loob 😭 wala napo kasing ibang tumutulong samin kundi kami lang din po. Slamat po. God bless po.

Sponsors of ptrzenvio5
empty
empty
empty

5
$ 0.00
Sponsors of ptrzenvio5
empty
empty
empty
Avatar for ptrzenvio5
3 years ago

Comments