"Sa lahat Ng Agos Ng buhay"

0 45
Avatar for psychie
3 years ago

Masaya, masarap, masakit, mahirap at di Basta Basta Ang mamuhay sa mundong ibabaw. Lahat Ng to Ang nararanasan Ng lahat mayaman man o mahirap pero bakit Tayo lumalaban? Bakit Tayo nagsusumikap mabuhay sa mundong minsan ay naging mapait Ang ating nakaraan? Kung bakit sa lahat Ng Agos Ng buhay Tayo ay handang lumaban.

Isa ako SA milyong-milyong tao na nakaranas Ng mga mapait at masasakit na trahedya sa aking buhay simula pa Bata ako hanggang ngayon na meron Ng pamilya. Kung pagsubok Lang Ang pag uusapan siguro ay quota na ako pero bakit nga ba ako lumalaban? Bakit kinakaya ko pa eh mas matimbang Ang sakit at hirap ko kaysa sa saya na dulot Ng mundong to. Kung Baga eh mas maraming masasakit,hirap kaysa sa saya at sarap. Minsan nga di ko na Alam anong gagawin ko pero pinipilit Kong lumaban Kasi Alam Kong KAYA ko pa may lakas pa akong salubungin Ang lahat Ng pagsubok nato. Ilan lamang to sa mga masasakit na nangyayari sa buhay ko Ang ibabahagi ko sa kwentong to. Panatag ako na sa pagsulat ko dito ay maibsan Ang sakit na nadarama ko di Naman to tulad Ng Facebook na pagsinulat mo Ang storya mo eh mattrending kana sa inyo worst sisikat kapa sa KMJS haha. At Yung iba eh ilockdown at ibabash kapa KAYA hayaan niyong ipahiwatig ko Ang mg nararamdaman ko dito.

Isa lamang Ito SA mga karanasan na gusto Kong ibahagi na minsan Ng nagpalugmok sa buhay ko pero pinilit Kong bumangon para sa sarili ko. Nung ako ay nagkaisip na ,NASA grade 1 namulat na ako SA realidad na kailangan Kong pumasok sa paaralan na Walang mga magulang na nag hahatid sundo. Kasi nung time na Yun eh kailangan na Ng mama at papa ko na umalis para maghanap Ng trabaho at iniwan ako SA pangangalaga Ng Lola at Lolo ko. Masakit na Mahirap na makakakita ka Ng mga kaklase ko na merong mga magulang na kasama pagpasok,recess at uwian pero ako ayun sumasama naang sa tita ko Kasi mgkaklase kami Ng pinsan ko, pag tuwing may activity SA school minsan sinasamahan ako Ng Lola ko minsan Hindi Rin, meron pang activity na kasama pamilya mo pero ako ayun mag Isa. Sobrang hirap na selos na selos ka SA mga nakikita mo pero kailangan mong tanggapin na Hindi pwede Ang gusto ko Kasi Wala sila. Pinilit Kong unawain lahat lahat ,na kahit sa bahay pag may pinupuntahan mga tita ko kasama mga anak nila malamang sa malamang ay iniwan ako Kasi daw walang magbabantay sa akin Kasi Yung Lola ko eh di sasama Kayo ayun tumitingin sa malayo habang sila ay papaalis. Ang sakit diba? Yan Ang naging kabataan ko at Yan palagi hanggang sa nag 1st year high school ako .

Isa lamang Ito SA mga karanasan na gusto Kong ibahagi na minsan Ng nagpalugmok sa buhay ko pero pinilit Kong bumangon para sa sarili ko.

Nung highschool ako fast forward nagkaroon ako Ng dalawang kapatid Yung Isa is NASA grade 4 Yung Isa is 1 year old palang at Ang masaya dun Yung ikaawang kapatid ko ay iniwan din sa Lola ko simula nag grade 1 din siya tulad ko. Hanggang sa ang mama ko nagdecide mag abroad dahil sa hirap Ng buhay at di na enough Ang Sahod Niya para sa Amin Kasi si papa eh nagstop Ng trabaho may pagkatamad Kasi KAYA Ang mama ko halos lahat at ayun na nga napag desisyonan na mag abroad siya at ayun iniwan sa Amin Ang 1 year old na kapatid ko .Mas naging Mahirap sa akin Kasi yung kapatid ko na pangalawa ako nag aasikaso ,plantsa ,at naghahatid sa kanya sa room Niya lahat ako pero andun Ang Lola ko nakaalalay sa akin at di nawala Ang bilin Niya na bilang panganay na anak responsibilidad Kong tignan sila dahil sa absence Ng mga magulang ko pero di ako pinapabayaan Ng Lola at Lolo ko Mahal na Mahal Niya ako at mga kapatid ko. So ayun na dahil 1 year old palang ang kapatid ko at iyakin mas Lalo akong nahihirapan kasi nung panahong yun nagkakasakit na Ang Lola ko at mg nangyayari palagi eh salitan kami sa madaling araw pag iyak ng iyak Ang bunso namin grabe sobrang hirap na imagine ilang oras nalang pasukan na ulit pero kinaya ko at kakayanin ko. Sobrang hirap pumasok ng wala masyadong tulog di pumapasok sa isipan mo Ang lahat lahat ng sinasabi sayo ng teacher mo ,pag uwi kong noon nakakaya ko pang umupo at manuod ng tv iba na noong panahon na nanjan Ang bunso namin Kasi need mo bantayan Kung saan pupunta at mag aasikaso ng beberon at gamit niya oh diba naging maagang Ina ako sa panahon na yun. Lahat binigay ko ,kahit baon ko mas sosobrahan ko pa Yung kapatid ko na pangalawa makita ko lang na okey siya at bibili pa ako ng biscuit sa bunso namin sa natitira na baon ko para na talaga akong nanay haha. Pero lahat nun kinaya ko ng may PAGMAMAHAL sa mga kapatid ko at pag unawa sa magulang ko. Ito Ang mga pangyayari ng kabataan ko na hinding Hindi ko nakakalimutan dalawa lamang to pero kung tutuusin sobrang dami pa pero ito lang muna SA ngayon.

Naging ganun palagi hanggang sa lumaki na silang dalawa at makapag college ako at isang pangyayari ang sobrang umiyak ako ng husto nung pauwi ako SA dorm galing sa bahay namin kasi second time kong mahiwalay sa kanila nung tumuntong akonng college at iniwan ko na Naman sila Kasi kailangan. Nag eempake na ako nun pabalik sa pinapasukan kong paaralan mga 3-4 hours Ang byahe pa habang abala ako inabot na Ng Lola ko Ang padalang alawance ni nanay galing Hongkong at umalis sa pinto ang ginawa ko parati oh abot niya ng pero tinawag ko ang dalawa Kong kapatid at binigyan sila Ng pera para may pambili sila ng gusto nilang pagkain kahit na nakabudget na talaga ang pera ko kasi Ang Lola ko tinuruan akong maging masinop sa pera di gastos ng gastos KAYA imbes na igastos ko pambili ng mga bago kong damit sana eh mas piniling kong ibigay sa dalawa kong kapatid at ang sabi ng kapatid ko na kasunod ko ay

"Ate iba ka talaga SA nakikitang Kong ate sa mga kaklase ko, Yung kahit na kakainin muna ay pipigilan mo para Lang nabigay sa Amin ni bunso"

Iba Ang saya at galak ng aking puso ng marinig ko yun sa kapatid ko ,sobrang saya na to the point grabe ang iyak ko pagtalikod niya at hanggang sa dumating ako SA dorm na nakakabigay ng saya at kuha ng kaligayan sa akin. Na nararamdaman din nila lahat ng sacripisyong binibigay ko para makita lang silang masaya .

Sa lahat ng agos sa buhay pinipilit kong ipagpatuloy ang hamon ng hinaharap dahil alam kong may pamilya akong dapat alagaan at mahalin magpasawalang hanggan .Kahit gaano kadami ang sakit at hirap ang dulot ng buhay di parin matutumbasan ang ligaya pag alam mong may mga tao kang napapasaya at Lalo na ang pamilya mo.

3
$ 0.05
$ 0.05 from @Jane
Sponsors of psychie
empty
empty
empty
Avatar for psychie
3 years ago

Comments