"Paalam Aking Mahal."

0 4
Avatar for psychie
2 years ago

Mga salita na Kay hirap bigkasin ng mga taong nagpapaalam sa minamahal. Isang sitwasyon kung saan susubukin ka Ng agos Ng buhay. Mga taong minahal at inaalagaan mo ay nasa pangangalaga na Ng DIYOS.

May 21, 2021 ala-una ng madaling araw ng pumanaw Ang aming Lolo ng dahil sa sakit sa baga. Ilang taon din ang pagpapahirap sa kanya ng sakit na yun at SA haba-haba man ng prosisyon Niya ay totoong sa simbahan ang huling dungaw namin sa katawang Tao niya. Isang masayahing at mapagmahal na Lolo walang iniisip kundi Ang kapakanan Ng mga anak at Apo Niya .Isa ngang dakila Kung tutuusin na kayang mag sakripisyo para sa ikakabuti ng karamihan. Tumatak sa aming mga puso ang kabutihan mong ANGKIN na ipaparamdam namin sa aming anak hanggang kami ay nabubuhay. Mahal ka namin Lo at walang magbabago,kami na PO Ang Bahala KY Lola di namin siya pababayaan.

11:00 am na nang kinuha ka Ng DIAMOND FUNERAL at di man Lang kami nakaabot sa inyo Nung NASA kwarto kapa Kasi NASA biyahe kami nun pauwi Jan at si Lola ay Ang anak Niya na Tito ko Ang naging sandigan. Sobrang sakit Lo na sa huling pagkakataon di man Lang Kita nahawakan at Sabi ni Lola ay hinahanap mo daw mga apo mo sa akin😢 sorry Lo di kami nakauwi agad Kasi Alam mo Naman diba Kung gaano kahirap nagtravel ngayon kasama mga Bata. Pero Alam ko na naiintindihan mo Ang sitwasyon ko.

At dumating nadin Ang mga bulaklak mo Lo para magdecorate sila Kasi nga gusto namin na kahit sa huling sandali ay Maganda padin Ang set up Kasi nga gwapo ka diba Lo Sabi nga nila para Kang Amerikano eh Wala Naman tayong lahi na ganun diba Lo. Ang sakit na habang magdecorate sila eh Hindi na sa magandang okasyon kundi sa pinakamasakit na okasyon na nangyari sa pamilya natin. Di kana namin makakasama sa mga masasayang okasyon tulad Ng family reunion, birthday's ,outing at iba pa. Lo masaya kana ba Jan? Wala nabang sakit? Nakakahinga kana ba Ng maayos? Lo masaya kami/ako Kung nasa mabuting kamay kana Ng DIYOS .Alam ko Naman na bago ka nalagutan Ng hininga eh nagdasal padaw Kayo ni tita Bebs eh naghinge ka Ng kapatawaran sa DIYOS sa lahat Ng mga kasalanan mo Nung nabubuhay kapa. Kaya panatag Naman Ang loob ko .

Ayan Lo ,NASA bahay kana at ang gara Naman Ng set up mo Lo at Ang gwapo mo Kasi nga naka Toxedo kapa eh ,yayamanin talaga .Eh panu ba Naman di mabilhan eh POLICE ang anak at Ang gusto ay dapat gwapo kapa din.

Lo Rest in Paradise na ha? Masakit pero kailangan naming tanggapin na hanggang dito nalang at magkikita pa Tayo sa kanilang buhay .Maraming maraming Salamat SA Lahat lahat ❤️❤️❤️

Your forever in our heart and in our life. Your memory and good attitude remain in us and this will be our treasure for the rest of our life.

1
$ 0.00
Sponsors of psychie
empty
empty
empty
Avatar for psychie
2 years ago

Comments