Mahal na Mahal Kita kahit Ang Sakit-sakit na!

0 36
Avatar for psychie
3 years ago

I have found the paradox, that if you love until it hurts, there can be no more hurt, only more love. ---Mother Teresa

Maraming sikat na love stories sa kasaysayan na sa ang ending: Romeo and Juliet (double suicide) ; Cleopatra and Mark Anthony (poisoning). Bentang-benta tin ang mga pocketbooks at pelikulang nagpapaitak sa publiko tulad ng kwento ni Poppy at Basha sa "One More Chance". Mababaw ang luha nating mga Pinoy. Kaya patok sa atin ang mga madramang telenovela. Kapag kwento na tungkol sa iwanan, hiwalayan at pagtataksil ang pinag-uusapan, lahat relate much. We can all identify with pain. Pinag-iisa tayonng ating masasakit na karanasan. Pain makes us human. Hence we must know how to deal with the hard realities of life. Hanggang nabubuhay tayonsa mundong Ito, may sakit tayong nararamdaman. From womb to tomb ika nga.

Ang Sakit Much

Kapag malinis rang record: version 1.0 . Umibig,nasaktan at naka recover: version 2.0 .Umibig uli ngunit nag break naman: version 3.0 Nag fall Ulit ngunit niloko Ng partner: Version 4.0. Hanggang ilang version Ng puso gusto mo? Kailangan ba talagang sumabay itan sa upgrading Ng mobile phone software?

Mahirap na maging nagrereboot Ang puso. Nakakapagod. Back to zero lagi. Nagagasgas Ang kaluluwa mo. Kapag bumagsak kanuli sa parehong kamalian, Hindi ka na nagkamali pinili muna talagang nasaktan. Hindi ka na natutom kung magpaka expert na ,HUWAG namang sa pagiging masokista. PLEASE lang, mahalin Ang sarili. Paki check nga kung relate much ka sa mga scenario na babanggit ko:

  • Akala mo papuntang romantic love story ba Ang samahan. Toy story Lang pala(pinaglaruan kalang)

  • Araw2x tinetext ka niya, nangangamusta at nagsend quotes GM lang pala (GROUP MESSAGE)

  • Nag effort ka dahil akala mo may pag-asa ka pero FRIENDS lang pala.

  • Ibinigay mo ang buo mong pagkatao,isip,kaluluwa at isama muna ang coin purse mo. Pero nakakita ng iba at iniwan ka. Di kalang iniwan nagkautang kapa.

Ilan lang yan sa mga mapait na eksena ng Buhay. Masakit nga ba Ang magmahal? It depends kung paano mo tinitignan ang pakikipagrelasyon mo. "To love is to be vulnerable". Laging may risk. Nonetheless, to love is also an opportunity to gain wisdom from your mistakes. Kung magiging matalino ka , kaya mong pababain ang odds na kumuha ka.

Bakit maraming nasasaktan sa karelasyon?Kasi may Mali.

  • MALING PANAHON

  • MALING MOTIBASYON

  • MALING PARTNER

  • MALING ASAL AT PAMAMARAAN

-para tumagal ang relasyon, kailangang itama ang Mali at panatilihing Tama ang Tama.

You can run but you cannot hide 😂

Mahirap nakalimot Ang puso. Walang clear history button na parang sa computer lang. Sakit o ligaya man, nasesave sa emotional memory. Iyan Ang dahilan kung bakit ang puso ay kailangang ingatan. Bakuran ito at HUWAG ipagkatuwala ninuman. Dalawa lang ang pwedeng nangyari kapag nasaktan ka: hayaan mong gapiin ang iyong utak ng iyong emosyon o ang iyong emosyon ang bumihag sa utak mo. Hence we should always think of good thoughts and not be enslaved by negative feelings .

INGAT - INGAT ALL THE TIME

We are created by God to be relational. Lahat tayo ay may pagnanais na mahalin at magmahal Ng iba. Hindi masama Ang magandang Umibig dahil bahagi iyan Ng ating pagkatao. To deny this reality about us is to hurt our core being. Sabi Nila, some people are worth the risk. Pero Kapag nasaktan kana, ingat ka na. Hindi Yung sugid Ng sugod sa romansa. Bigay Ng bigay Ng puso sa iba. Kapag nagkamali kana naman sa parehong dahilan abay baka Ikaw na Ang may problema .

May special place SA puso ni Lord Ang mga brokenhearted. Iwan ka man Ng iyong mga mahal sa Buhay may Diyos kang maaasahan. Kapag pagod kanHe invites us to come and rest in Him. Hindi muna kailangan mag makaawa kasi siya na mismo nag iimbita. Sa panahon Ng lungkot,ya yakapin ka niya.

Walang makakatakas sa kalungkutan. In this world, we will always have troubles. HUWAG magpanggao Kung pagod at nasasaktan. Umiyak. Umatunggal. Humikbi. Magluksa. Pero sa Lahat Ng Ito,sabihin mo sa Panginoon, "Lord,yakapin mo PO ako, Nalulungkot ako".

Kaya wag Kang matakot na iwan or iwanan Ang mga taong Mahal mo pag nasasaktan kana Ng Todo kasi mayroong Panginoon na handang tanggapin tayo at mahalin Ng buong-buo.

3
$ 0.00
Sponsors of psychie
empty
empty
empty
Avatar for psychie
3 years ago

Comments