0
23
May mag-asawang na naninirahan sa kabundukan. Madalas nilang ipagdasal na sila ay mabiyayaan ng anak. Isang gabi, habang sila ay papauwi sa kanilang bahay mula sa bayan, sila ay nakarinig ng umiiyak na sanggol. Hinanap nila kung saan nagmumula ang boses at natagpuaan nila ang sanggol sa ilalim ng puno ng akasya. Mula nuon sila ay naging masaya dahil dininig ng maykapal ang kanilang panalangin. Ang silbing ilaw nila sa gabi ay lampara lang, hindi nila mapatigil sa kakaiyak ang sanggol, kaya sa pinahele ( breastfeed ng babae ang sanggol at sa tuwa niya ito ay tumigil ng iyak). Napansin ng babae na kumikirut ang kanyang suso ng tingnan niya ito laking kaba niya ng biglang nagbagong anyo ang bata, sumirit ang dugo mula sa dibdib niya at sya ay napasigaw sa sakit at takot. Nang magising ang lalaki, patay na ang kanyang kawawang asawa. Nawalang parang bula ang sanggol ( Tyanak ). Sa pagdadalamhati ng lalaki, hindi kinaya at sya ay nagbigti na lamang.
Nakakalungkot at kahindik hindik ang sinapit ng mag asawa. Ang kwentong ito ay pawang kathang isip lamang. Walang katotohanan at kuwentong haka haka tungkol sa tyanak.