"Nakaraan sa kasalukuyan"

0 57
Avatar for prey27
Written by
3 years ago

Sa buhay ng tao, hindi mawawala ang alinlangan sa bawat oras, pagsikat o paglubog ng araw, aninong nagkukubli sa sarili mong hindi matanaw.

Nakaraan tila bago sa atin , naninibugho na di makaalis sa kumunoy na humihigop palubog at patungo sa pagkalugmok, na kahit anong tawag walang nakakapansin.

Hind kaila sa iyong mukha, unti unti ka nang nawawala, Hindi kaila sa iyong ngiti dama ang pait ng iyong karasanan ni walang nakapansin higit na naghihinagpis.

Tuluyan ng hindi nakaalis, nalunod na sa nakaraan. Kahit anong gawin walang makapitan, sariling pandama ay di na maramdaman.

Tumingin sa kawalan , kadiliman ang natanaw. Paano na? Nanaisin mo pa bang magpatuloy sa paglalakbay? Ni hindi alam kung san patutungo sa kasalukuyan sapagkat ikaw ay nakakulong sa nakaraan.

napakalalim ng ibig sabihin ng tulang ito para sa akin " my very own poem"

Let go of things na nagpapahirap sayo na mabuhay ng maayos. May mga nakaraan tayo, masamamg nakaraan na hanggang ngayon ay ating dinadala. Kung gusto mong maging maayos ang iyong hinaharap, iwanan mo lahat ang namapapait na karanasan kasi hindi ka makakaalis dyan kung ito yung bagay na pumipigil sayo para maging masaya. Lahat apektado, buhay mo at pangarap. isip mo lang ang sisira sayo at wala kang pwedeng sisihin kundi ang pagiging negative mo . Enjoy life ! Move on! Learn from experiences and make it as your foundation para makalaya na sa nakaraan at magpatuloy sa kasalukuyan.

Prey27" Shring is Blessing"

3
$ 0.01
$ 0.01 from @TheRandomRewarder
Sponsors of prey27
empty
empty
empty

Comments