Sino sa inyo dito ang hindi marunong magkumpara ng sarili sa ibang tao? Madalas, pag hindi tayo masaya o kuntento sa bagay na meron tayo ay lagi nating sinisisi ang ibang tao minsan sarili o ang diyos. Hindi nga ba talaga patas ang buhay ? Paano ba natin makikita ang halaga nang isang bagay na taglay natin? Bakit sila mapalad? Lumaking may gintong kutsara sa bibig samantalang ako isang kahig isang tuka? Yung iba kumpleto ang pamilya, may nanay, tatay, kapatid at kamag-anak ngunit ako bakit nag iisa? Lumaki sa bahay ampunan, naging palaboy at nasangkot sa kaguluhan hanggang nasadlak sa kulungan- Bakit pa ako nabuhay? May mga taong buo ang pisikal na kaanyuan kaya hindi ko mapigilan na mainggit dahil sa kakulangan na aking taglay- PDW kung tawagin pangkat na aking kinabilangan. BULAG, PIPI, PILAY at iba pa. Mayaman nga akong isinilang pero kasiyahan ay hindi lubos, Bakit ang mahihirap kahit walang wala ay kayang ngumiti at tumawa? Hindi ko magawang humalakhak ng kagaya nila dahil baka mapuna ng iba. Nakapunta na sa ibat ibang lugar at bansa- kahanga hanga ang larawan ng tanawin na aking natatanaw, Kailan kaya ako magiging kagaya nila? Sana ako nalang siya at siya nalang ako , kung maaari lang.
Maraming katanungan at mithiin na gusto nating mga tao. HIndi natin makita kung anong meron tayo dahil ang layo ng tingin natin. Sa iba tayo laging nakatanaw, gusto mong maranasan yung buhay nila, kasi nga mahilig tayong magkumpara. May makita ka nga lang na bagong trending gusto mo gayahin o bilhin para makasabay sa uso. Yung kapitbahay mo nagpakabit ng wifi o may bagong kagamitan gusto mo meron ka rin. ( hindi ko sinasabing lahat). Gusto ko lang ipaalala sa inyo, ang buhay ay puzzle, habang tumatagal ang panahon, yung mga problema na nararanasan natin ay bahagi ng puzzle na unti unting bumubuo sa pagkatao natin. Dito nag uumpisa na malaman kung ano yung gusto mong maging disenyo ng buhay mo, kung tama ba ang paglalagay mo ng piraso ng ng puzzles. Malimit na ikumpara ang disenyo ng ibang tao sa disenyo mo diba? Na sana parehas nalang kayo? May dahilan ang lahat ng bagay, Ang diyos ang nagdedesign ng buhay mo, sana ay maapreciate mo iyon. Natural lang na magtanong, bahagi yan ng pagkatuto.
Ngunit huwag mong sisihin ang ibang tao o sarili mo kung hindi mo ginusto ang buhay na meron ka. Simulan mong tingnan yung magagandang bagay ng ginawa ng diyos para sayo. Makuntento sa maliit na bagay upang pagkalooban nang malaki at umaapaw na blessings. Magtanong pero huwag magkumpara. KUng gusto mo ng klaseng buhay na meron ang iba, pagsumikapan mo. Ano ba ang mga hakbang upang maglevel up ang buhay? Paano mo ka magdesenyo at bumuo mng puzzle na kukumpleto sa buhay mo hanggang makuntento ka at masabi mo na napakapalad mo?
Let me tell you a story of a vendor boy. Today- June 29,2020 , alas singko ng hapon ng mapagpasyahan kong gumawa ng article sa labas ng bahay dahil sobrang hina ng internet sa loob ng bahay. Habang nagiisip ako ng isusulat, May isang bantang vendor na lumapit sa akin , nagmamakaawa na bilhin ko yung dalahin niya foam Uratex. " Ate bilhin niyo na po itong dala ko, hindi ko na po kaya, pangkain lang po- malayo pa o yung pinanggalingan ko" - yan ang bigkas ng bata sa akin. Napaisip ako na napakapalad ko dahil hindi ko na kailangan pang magtinda upang may maipakain lang sa sarili, awang awa ako sa bata . Naramdaman ko yung pagod, gutom, at pagpupursige niyang kumita. " I pray na sana may instrumentong ibigay si Lord na magamit upang mas ma blessed ang bata". God always use something upang masagot yung doubt na meron ka. Sabi ng nila hindi mo palang pinag pray alam na ng Lord yung desire ng heart mo.
Ang araw na ito ay napakaganda. Minsan reality will hit you para matauhan ka! Hoy Gising! Mapalad Ka!
Para sa akin ay hindi natin maikukumpara ang ating sarili sa ibang tao. May pagkakaiba-iba ang bawat tao sapagkat iba ang kanilang pinanggalingan, iba ang kinalakihan at iba ang ugali. Tama na minsan ay naikukumpara natin ang ating sarili sa ibang tao sa kadahilanang gusto natin minsan na maging katulad ng ibang tao.