Hiking Adventure sa Rizal

4 29
Avatar for prey27
Written by
4 years ago
ito yung unang bundok na inakyat namin " Mt. Sipit Ulang "

Dahil sa mahilig ako sa adventures at Nature Lover , Medyo nakakamiss din ang outdoor activities kagaya nalang ng pag akyat sa bundok. Since, malapit lang ang Rodriguez, Rizal sa Quezon City ay napagkasunduan namin ng kaibigan ko na maghiking for fun and for stress reliever na rin. Kahit papaano ay makalanghap ng sariwang hangin at maexcercise ang aming katawan.

Okay so ito po yung patunay na hindi talaga mahirap umakyat ng bundok,
 Well anyway, sulit naman ang pinaghirapan ng makarating kami sa Destination point. 

Mga dapat dalhin sa pag- akyat sa bundok ( para sa hikers/ beginners)

  • Una, Toiletries at medecine kit kung kinakailangan

  • packed lunch- anyway, may maliit na tindahan sa stop trail pero dont expect na maari kayong mabusog dito, medyo may kamahalan ang paninda.

  • Tubig ( need talaga para manatiling hydrated )

  • Gloves - mostly yung rock formation na mahahawakan natin dito ay matutulus ( proteksyon na rin sa kamay)

  • Gloves because you’ll be climbing boulders and rocks

  • Towel / head cap and sunblock

MT. PAMITINAN ( Rodriguez, Rizal)

Major jumpoff: Brgy. Wawa, Rodriguez, Rizal
Days required / Hours to summit: 1 day / 1.5-3 hours (P) Features: Limestone formations and scenic views of Sierra Madre

Napakaganda ngunit nakakakalulang tanawing, Halos hindi ako humihinga kc feeling tense baka hanginin ako at lupa sa ibaba ang sumalo sa akin " Buwis Buhay Shot".
Scenic View at " Mt. Sipit Ulang"

MT. SIPIT ULANG ( Rodriguez, Rizal)

Sa pag-akyat po namin dito ay hindi madali, dahil maraming rock formations po ang madadaanan.

Features: rock formations and limestone trails. Difficulty Level: 3/9, minor hike Jump off point: Brgy. Mascap Hours to Summit: 2 hours neighboring Mt: Mt. Ayaas, Mt. Pamitinan, Mt. Hapunang Banoi, and Mt. Binacayan.

My Friend April Joy @ Mt. Binacayan
isa sa napakagandang view at picture na kuha ko habang papunta sa ibang bundok ng Rizal.

MT. BINCAYAN ( Rodriguez, Rizal)

Jump off point: Brgy. Wawa, Montalban Rizal Hours to Summit: 2 hours Difficulty: MInor 3/10 neighboring Mt: Mt. Ayaas, Mt. Pamitinan, Mt. Hapunang Banoi

Ito yung Rock Formation sa Summit na kung tawagin ay Dinausor formation dahil sa hugis nito.uwis Buhay Pose, pangiti- ngiti lang ako nyan pero....
Ito ay kuha malapit sa Mt. Espadang Bat0. This is on top of the tree na ginawa ng mga tour.guide ng Rizal. Swak para sa couple :)

at ito na nga ang pinagmamalaki nilang Mt. Espadang banoi! Kung ikaw ay may fear of heights at gusto mo pang mabuhay " Dont try this for your own risk".

MT. ESPADANG BATO( Rizal, Rodriguez)

Jump off point: Brgy. Mascap Hours to Summit: 30 mins, from Mt. Ulang Bato

Mula Mt. Sipt, kami ay nagtrail papuntang Mt. Espadang Bato Mula 30 mins to 1 hour ang hiking. Matatalim ang bato papunta sa summit kaya kami ay talagang nag-ingat sa bawat hakbang namin. 

our tour guide only used android phone to take this photo , oh diba ang bongga? parang DLSR gamit pero hindi po.

Kung kayo po ay nagnanais ng ganitong uri ng Adventure: You can contact any tour guide ahead of time. Pwede pong grupo ang reservation. 500 per mountain at may environmental fee na 50 pesos sa brgy. hall.

Always remember, hindi po biro ang Hiking, Every steps and trails ay buwis buhay specially sa pagkuha ng litrato. Kaya dobleng Pagiingat/ Keep safe Hikers.

Better time of hike : 4 or 5 am in the morning :)

4
$ 0.03
$ 0.03 from @TheRandomRewarder
Sponsors of prey27
empty
empty
empty
Avatar for prey27
Written by
4 years ago

Comments

Ito Yung Isa sa mga gusto Kong gawin soon lag nawala Yung virus

$ 0.00
4 years ago

Ngayon ko lang nalaman na meron palang ganyang lugar dito sa rizal. Kaso baka matagal pa bago tayo makapunta jan dahil sa corona virus. Nakakamis na gumala sa kahit anong lugat.

$ 0.00
User's avatar Jed
4 years ago

Wow ang ganda sis 😍 masaya talaga mag adventure..

$ 0.00
4 years ago

Wow . ang ganda naman dyan worth it yung mga pagod niyo pag dating sa taas. Sana all nkakapag hiking😁😁

$ 0.00
4 years ago