Dahil sa mahilig ako sa adventures at Nature Lover , Medyo nakakamiss din ang outdoor activities kagaya nalang ng pag akyat sa bundok. Since, malapit lang ang Rodriguez, Rizal sa Quezon City ay napagkasunduan namin ng kaibigan ko na maghiking for fun and for stress reliever na rin. Kahit papaano ay makalanghap ng sariwang hangin at maexcercise ang aming katawan.
Okay so ito po yung patunay na hindi talaga mahirap umakyat ng bundok,
Well anyway, sulit naman ang pinaghirapan ng makarating kami sa Destination point.
Mga dapat dalhin sa pag- akyat sa bundok ( para sa hikers/ beginners)
Una, Toiletries at medecine kit kung kinakailangan
packed lunch- anyway, may maliit na tindahan sa stop trail pero dont expect na maari kayong mabusog dito, medyo may kamahalan ang paninda.
Tubig ( need talaga para manatiling hydrated )
Gloves - mostly yung rock formation na mahahawakan natin dito ay matutulus ( proteksyon na rin sa kamay)
Gloves because you’ll be climbing boulders and rocks
Towel / head cap and sunblock
MT. PAMITINAN ( Rodriguez, Rizal)
Major jumpoff: Brgy. Wawa, Rodriguez, Rizal
Days required / Hours to summit: 1 day / 1.5-3 hours (P) Features: Limestone formations and scenic views of Sierra Madre
MT. SIPIT ULANG ( Rodriguez, Rizal)
Sa pag-akyat po namin dito ay hindi madali, dahil maraming rock formations po ang madadaanan.
Features: rock formations and limestone trails. Difficulty Level: 3/9, minor hike Jump off point: Brgy. Mascap Hours to Summit: 2 hours neighboring Mt: Mt. Ayaas, Mt. Pamitinan, Mt. Hapunang Banoi, and Mt. Binacayan.
MT. BINCAYAN ( Rodriguez, Rizal)
Jump off point: Brgy. Wawa, Montalban Rizal Hours to Summit: 2 hours Difficulty: MInor 3/10 neighboring Mt: Mt. Ayaas, Mt. Pamitinan, Mt. Hapunang Banoi
MT. ESPADANG BATO( Rizal, Rodriguez)
Jump off point: Brgy. Mascap Hours to Summit: 30 mins, from Mt. Ulang Bato
Mula Mt. Sipt, kami ay nagtrail papuntang Mt. Espadang Bato Mula 30 mins to 1 hour ang hiking. Matatalim ang bato papunta sa summit kaya kami ay talagang nag-ingat sa bawat hakbang namin.
Kung kayo po ay nagnanais ng ganitong uri ng Adventure: You can contact any tour guide ahead of time. Pwede pong grupo ang reservation. 500 per mountain at may environmental fee na 50 pesos sa brgy. hall.
Always remember, hindi po biro ang Hiking, Every steps and trails ay buwis buhay specially sa pagkuha ng litrato. Kaya dobleng Pagiingat/ Keep safe Hikers.
Better time of hike : 4 or 5 am in the morning :)
Ito Yung Isa sa mga gusto Kong gawin soon lag nawala Yung virus