"Ginisang Sardinas Recipe"

0 88
Avatar for prey27
Written by
4 years ago

Isa sa pinakamadaling lutuin at ulam na masasabi mong pang kalahatan, "Ginisang Sardinas". Alam naman natin sa panahon ngayon, Hindi na dapat maging mapili sa kung anong uulamin o kahit ano man nasa hapag kainan. Ang ginisang sardinas ay napakasarap lalo na sa mainit na kanin. Simula ng nagkaroon ng Pandemic, Sardinas ang isa sa nagsilbing pantawid gutom sa kumukulong sikmura. Halos karamihan sa plastic relief na makikita mo ay delata ng sardinas.

Para sa iba, hindi nila gusto ang amoy o lasa ng sardinas dahil sa malansa o kakaibang amoy neto, ngunit napaka convenient nito, kahit saan pwede.

Maaring ready to eat, o choice ng iba na lutuin. Isa sa paraan upang ito ay mas lalong sumarap ay ang pag gisa sa Bawang at Sibuyas dagdagan mo pa ng Kamatis at kaunting calamansi (optional )

Ingredients:

  • 1 Canned of Sardines

  • 2 tbs. of cooking oil

  • 1 sliced medium of red onion and 2 cloves of crushed garlic

  • 1 teaspoon. of calamansi (vinegar/ lemon)

  • 1 sliced medium tomato ripe

  • 1/2 teaspoon black pepper (ground )

  • 1/2 teaspoon salt/seasoning ( for seasoning optional)

  • 1 tbs of chopped parsley (optional )

Procedures:

Una, painitin ang mantika sa kawali at igisa ang bawang , sibuyas at kamatis. Pangalawa, ilagay ang sardinas , haluin at hayaang maluto ( 5 minutes). Maaring lagyan ng kaunting tubig (optional ), salt/ seasoning upang mas maging malasa. Isunod ang 1/2 teaspoon og calamansi and black pepper at haluin ng 1 minute.

Then ready to serve na ang masarap na gisadong Sardinas! lalo na kung bagong luto.optional ang paglalagay ng parsely upang maging maganda ang presentation ng pagkain)

Hindi lang Ginisa ang pwedeng gawing sa canned sardines- Marami na rin ang naging bersyon ng pagluluto nito. ( Pang halo sa gulay, Sphagetti sardines, pritong sardinas at ibp.)

Trivia:

Ang Sardines - ay maliit na isda na napakasustansya lalo na sa protein, healty fat, vitamins at minerals. Full package kung ating mapapansin.

"i used cabbage on plating"

2nd plating :)

Maraming salamat sa pagbabasa ng aking article.

3
$ 0.00
Sponsors of prey27
empty
empty
empty
Avatar for prey27
Written by
4 years ago

Comments

Masarap nga yang ginisang sardinas na yan,napakadali pang lutuin,,,inuulam namin yan pag nagsasawa na kami sa mga karne very affordable pa ang pagkaing ito

$ 0.00
4 years ago

Gagawa ako te. Wait mo lang din hehe

$ 0.00
4 years ago

sigeh tingnan natin yang recipe na pinagmamalaki mo haha

$ 0.00
4 years ago