Magandang Buhay! Naririto na naman ako upang magbigay ng masarap na recipe ng isang kilalang Panghimagas o Meryenda sa mga filipino. Walang iba kundi ang Biko! Last election naging matunog ang pangalang Biko "Viko" sa mga taga Pasig City, Bakit nga kaya? Dahil ang Biko ay popular na pagkain saan mang panig ng Pilipinas. Hindi ka maka Pilipino kung hindi mo pa ito natitkman! Napakasarap ng pinaghalong malagkit na bigas, malinamnam na lasa ng gatas ng niyog , asukal o evaporada ( condensed) at latik. Lagi rin itong makikita sa mga handaan o fiesta.
Kaninang umaga, nagising ako dahil may sa pamilyar na amoy ng biko na niluto ng aking ama. Ang sarap kaiinin lalo na't maini-init pa at samahan ng kape o gatas! Pakiramdam ko para akong nasa probinsya. Simple at madaling lutuin ito.
May ibat ibang versyon na rin ng pagluluto ng biko- gaya nalang ng Biko Ube flavor at iba pa.
Ingredients:
Prep Time: 10 - 15 mins
Cook Time: 1 hr and 30 mins
1 cup coconut cream
3 cups glutinous rice
2 cups water
13.5 ounces ng coconut milk
2/4 cup ng asukal
1/4 tbs. ng asin
4 drops ng ube extract
Procedures:
"Pagluluto ng Latik"
Sa isang malaking kaserola , iluto ang gata ng 2 niyog. haluin ng haluin hangang magbuobuo ang gata , kung ito ay golden brown na , hanguin ang kawali at salain ang langis para mahiwalay ang latik.
"Pagluluto ng Biko"
lsaing ang malagkit na bigas. Sa katamtamang init ng apoy( para hindi masunog ang ilalim) , lutuin ang pinagsamang gata ng niyog, 4 na drops ng ube extract, 1/4 tbs ng asin, asukal, at ang nalutong malagkit , haluin ng haluin upang magsama ang mga ingridient at maging balance ang lasa at tamis. Pagkaluto nito, hanguin at ilagay sa bilao na may sapin ng dahon ng saging. I-flatten gamit ang spatula at ibudbud sa ibabaw ng biko ang latik.
Serve Hot! with Coffee.