scenario: -kasalukuyang LDR ang mag asawa, si baby nasa poder ni misis, si mister umuwi ng probinsya -minsan pinuna ni misin na baka panay inom ni mister kaya palagi masama pakiramdam, nagalit si mister, hinuhusgahan daw sya ni misis, wala naman daw sya pruweba, kaya mag send si misis ng isang screenshot kung saan makikita si mister na nakaupo sa harap ng isang inuman session, ang paliwanag nga, isang red horse lang naman daw ang ininom nya dun at di sya panay panay nag iinom -nasaktan si misis kasi sinubukan ni mister na itanggi ung pinuna nya kay hindi nya muna kinausap si mister bukod na lang kung kakausapin si baby -since di kinakausap ni misis si mister, nakapagbitaw ni mister ng salita tulad ng, " magkaipon lang ako ng pera, kukunin ko si baby jan, kahit wag ka na sumama" kay misis, so si misis lalo nasaktan, lalong di kinausap si mister -hanggang umabot na ng linggo yung misunderstanding nila -sa isang vcall ni mister kay baby, may sinabi sya na di narinig ni misis kasi si misis pinapapanood din ng youtube si baby para hindi aalis sa harap ng cp, nagalit si mister, wala din daw pala halaga yung pagtawag nya kasi di din daw pala sya naririnig ng anak nya -so ang ending, nakikipag hiwalay sya kay misis, kesyo nagsasawa na daw sya manuyo, na wala daw diskarte si misis -naghihintay sya sagot ni misis ano sa palagay mo dapat gawin ni misis?
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet