Ukay-ukay

0 26
Avatar for phegiel33
3 years ago

Ano po ba ang kumikitang kabuhayan?Bakit kailangan natin ng extra income sa panahon ng pandemya?Ano po ba ang magandang mapagkikitaan sa panahon ngayon?

Iilan lang yan sa mga tanong naman ngayon sa panahong dineklara ng Pangulong Duterte ang Enhanced Community Quarantine. Kailangan namin ng extra source of income para mabuhay ang aming pamilya dahil sa mga loan o utang na aming binabayaran. Kami ng aking asawa ay may matinong trabaho. Ang aming pagsusumikap ng walong oras para makasahod ay kulang na kulang sa isang buwan dahil na rin sa tumataas na mga bilihin. Kaya namin napag isipan ang Ukay-ukay business.

Ang aking asawa ay mahilig sa mga style o ibat ibang klase ng mga damit. Mahilig syang mag desinyo at mag halo halo ng mga style ng damit. Maraming tao na rin ang sumusuot ng ukay-ukay o mga 2nd hand na damit dahil ito ay mura lamang at matitibay lalo na kapag ang mga ito ay galing sa bansang US o Amerika. Kapag ikaw ay may limang daan o iisang libo, tiyak na makakabili ka na ng lima hanggang sampong piraso ng mga blouse, shirts o shorts. Hanggang ngayon patuloy pa rin naming ginagawa tuwing free time gaya ng pagkatapos ng aming trabaho, nagpopost online sa Facebook ang aking asawa para makita ng aming mga kamag-anak at kaibigan. Salamat rin at may iilang customers kami dati na hanggang ngayon patuloy na bumibili sa aming ukay-ukay.

Kaya ikaw huwag mong aksayahin ang iyong oras. Gumawa ka rin ng paraan para kumita ng extra income. May mga negosyo na maliit na puhunan lang ang kailangan.

1
$ 0.14
$ 0.14 from @TheRandomRewarder

Comments