Title of the program : Radyo balita
Type of program : News Program
Anchor1 : Mula sa buwagan ng Pambalitaan Himpilan at sandigan ng Bayan ito ang DZYY 77 sa inyong mga radyo ito ang DZYY Radyo balita.
Anchor 2 : Mga kaganapang nakalap sa loob at labas ng bansa. Mga isyung tinututukan.
Anchor 1 & 2 : DZYY Radyo balita. Sumahimpapawid mula rito sa paaralan ng sibugon.
Raymond : Sa loob ng limang minuto maghahatid ng balitang siksik, sulit na sulit narito ang tambalang Alti honculada at Vincent jumalon.
Anchor 2 : Narito tayo sa Sibugon Integrated School ngayon ay araw ng lunes ika dalawangput walo ng oktubre dos mil disi nuebe.
(Jingle )
Anchor 1 : Sa ulo ng mga nagbabagang balita.
Anchor 2 : Sa balitang pambansa meralco may taas singil sa kuryente
Anchor 1 : sa balitang lokal Mr and Ms young earth saver sa Sibugon Integrated School.
Anchor 1 : para naman sa balitang pampalakasan PH rugby team sabik na sa pagsabak sa sea games.
Anchor 2 : at sa showbiz yen santos, may bagong hairdo para proyekto.
Anchor 1 : Mga detalye sa pagbabalik kasunod nitong paalala
(15 segundo musika)
Anchor 1 : Uy Mare! Ang ganda naman ng mga palayok mo! Saan
mo ba ito binili? Napoproblema kasi ako kung paano ko
magawang maganda ang lalagyan ng mga bulaklak ko.
Anchor 2 : sa Amomonpon Pottery sa Sibugon! Pottery na kung saan may dekalidad at matibay na produkto. Maganda na, magaan pa sa bulsa. Piliin mo ang Amomonpon Pottery,
Anchor 2 : Mga detalye sa pagbabalik kasunod nitong paalala.
Benjake : Uy Pare! Ang ganda naman ng mga palayok mo! Saan
mo ba ito binili? Napoproblema kasi ako kung paano ko
magawang maganda ang lalagyan ng mga bulaklak ko.
Mark louie : Ahh... Naku! ‘wag kanang mabahala mare! Punta ka na
sa Amomonpon Pottery sa Sibugon! Pottery na kung saan may dekalidad at matibay na produkto. Maganda na, magaan pa sa bulsa.
Piliin mo ang Amomonpon Pottery,
Palayok na di ka magsisi.
Piliin mo, i-ahon mo,
Kayamanan ng lahat, piliin mo ang Pilipinas...
Anchor 2 : Sa lokal; Mr and Ms young earthsaver sa sibugon isinigawa! Narito si Benjake para sa karagdagang detalye.
Benjake : Nagsagawa ng patimpalak ang Paaralan ng Sibugon Integrated school nitong oktubre 1 dos-mel-disinuebe kung saan ang mga representatibo ng bawat baitang ay inerepresenta ang kanilang mga kasuotang ineresiklo kung saan ay napanalonan ni chrislyn penales ang titulong Ms young earthsaver at napanalonan ni Elfy john amomonpon ang Mr young earthsaver at siya rin ang humakot ng mga special awards ,Ngiting tagumpay ang nangingibabaw sa kanilang mukha . Ito po si Benjake, nagbabalita.
Anchor 1 : Sa pambansa;Meralco may taas singil sa kuryente. _______, ipatrol mo!
: Bahagyang tataas ang singil ng kuryente ng meralco para sa paparating na bill ng Nobyembre ayon sa kompanya. Ayon sa Meralco nasa P0.0448 kada kilowatt hour (KWH) ang kanilang dagdag singil sa kuryente katumbas ito ng dagdag singil sa kuryente .Kahit bumaba ang halaga ng kuryente sa spot market bahagya ring tumaas ang transmission charge na nagresulta sa taas presyo ayonsa meralco . Ito po si _________, nag-uulat.
Anchor 2 : Manatili sa pakikinig susunod ang iba pang mga detalye maya’t maya lamang.
Vincent : Pre, nabalitaan mo na ba ang sinabi ni Pangulong Duterte sa kanyang sona?
Mark : Oo nga pre may ipinatatag siyang tokhang operation para ito sa mga kabataan na nalulontg sa droga.
Vincent : Oo yun nga pre, panatag na ako ngayon dahil
masusugpo na ang mga nagdo-droga. Lumiliit na ang
porsyento ng mga nabibiktima.
Anchor 1 : Ang buhay natin ay dapat nating pangalagaan. Iwasan
ang mga bagay na nakakasira ng iyong kinabukasan .
Nagmamalasakit na mensahe mula sa estasyong ito.
Anchor 2 : Kayo parin ay nakikinig sa 77 DZYY Radyo Balita. Ang pamantayang oras ng Pilipinas ay ala ______ ng hapon.
Ang oras na ito ay hatid sa inyo ng Amomonpon Pottery,
Raymond : The best!
Anchor 1 : Balik sa ating balita,PH Rugby team Sabik na sa Pagsabak sa sea games . Narito si Mark louie para sa iba pang detalye.
Mark louie : Hindi maitatago ng Philippine mens national rugby union team ang kanilang kasabikan na maglalaro sa harap ng mga kababayan sa nalalapit na 30th Southeast Asian Games . Ayon sa Philippine Volcanoes , na kakaiba ang magiging dating ng audience dahil dito sa bansa gaganapin ang nasabing torneo . Nasa pang 42 ang world ranking ng Philippine Volcanoes at gold medalist ng 2015 Sea games .
Anchor 2 : At sa showbiz, Yen santos may bagong hairdo parasa proyekto Raymond echika mo.
Raymond : Short hair with bangs ang new look ni Yen Santos. Kinuwento pa ni Yen, nag pagupit siya ng buhok para sa kanyang upcoming project. Hindi nagbigay ng detalye ang aktress tungkol sa proyekto pero sinabi niya na dapat abangan ng fans ang paggawa niya ng sexy themed movies , Samantala sa ngayon ay abala si Yen Santos sa pelikulang “ Two Loves You” kung saan kasama niya ang hashtags member na si Kid Yambao at mga komedyanteng sina Lassy Marquez at Mc Muah. Ito po si Raymond , Chikadora.
Anchor 1 : Para sa hanay ng nagbabagang balita
Anchor 2 : Sa lokal;
Benjake : Mr young earthsaver sa Sibugon Isinigawa !
Anchor 1 : Sa pambansa;
_______ : Meralco may taas singil sa kuryente.
Anchor 2 : Sa pampalakasan;
Mark louie : PH Rugby team sabik na sa pagsabak sa sea games .
Anchor 1 : at sa showbiz;
Raymond : Yen Santos may bagong Hairdo para sa proyekto
Anchor 2 : Yan ang mga balita nakalap sa loob at labas ng bansa
Anchor 1 : Hatid sa inyo ng DZYY 77 Radyo balita .