My baby Franzineph

0 15
Avatar for phegiel33
3 years ago

Mapagpalang umaga sa lahat. Ako ay 33 taong gulang na at nakapag-asa taong 2018. Pinapangarap ko talaga dati na magkaroon ng isang pamilya. Kaya nagpapasalamat kami ng asawa ko sa Panginoon dahil binigyan niya kami ng isang anak na babae na si Franzineph Khae. Siya ay 7 months na po noong nakaraang July 02, 2021. Siya ang nagbibigay sa akin ng saya lalo na kapag pagod ako galing sa aking trabaho. Hindi pa siya nakakapagsalita pero may mga tunog na ng mga letra ang iyong madidinig. Siya ay masayahing bata dahil palagi siyang ngumingiti.

Ang aking asawa ay nagkaroon dati ng isang anak na lalaki sa kanyang nobyo sa kanyang pinagtratrabahoan dati. Sila ay hindi nagkasundo dahil sa masamang pag-uugali nito at napagdesisyonang maghiwalay. Tanggap ko ang sitwasyon ng aking asawa at ayokong masaktan siya uli ng ibang lalaki. I know hindi deserve ng isang babae ang isang lalaking nananakit at hindi minamahal ang isang babae. Siguro isa ito sa mga ginawa ko na talagang inisip isip ko ng mabuti na ipagpatuloy ko ba ang panliligaw ko sa kanya dati dahil sa kanyang nakaraan. Oo nga naman, ang nakaraan ay nakaraan na. Wala na tayong magagawa doon. Ang importante, mahal na mahal ko siya at mahal rin ako ng aking asawa. Kaya nagbunga ang aming pagsasama ng magandang anak na babae. Salamat sa Panginoon at hindi kami pinabayaan. Lumalaki siyang maayos at mabuti sa tulong na rin ng aking ina na siyang nag-aalaga sa kanya sa tuwing kami ay pumapasok sa trabaho ng aking asawa.

Hi everyone. I am Franzineph Khae. Just call me Neph2x for short.

1
$ 0.34
$ 0.34 from @TheRandomRewarder
Avatar for phegiel33
3 years ago

Comments