Halaman ni Inay

0 27
Avatar for phegiel33
3 years ago

Kay ganda pagmasdan ang mga halamang dahon at bulaklak ng aking inay. Naumpisahang magtanim ng aking inay simula ng magkapandemya na umabot sa Pilipinas. Ang pinagkakaabalahan ng aking mga magulang dati ay ang pagluluto sa aming karenderia dahil ang aming tirahan ay malapit sa isang paaralan. Subalit ng hindi na tuloy at pinagbabawal ang Covid 19, wala na silang kita. Kaya tuloy napag-isipan din nilang mag tanim ng mga halaman at ibinta ito pag malaki na.

Hindi man gaano kalaki ang kanilang kinikita ngayon gaya ng dati, pero pansin at ramdam ko na nagbibigay din ng saya at ligaya sa puso ng aking ina ang kanyang mga alaga na halaman. Siya ay na ospital makaraan ang ilang buwan dahil tumaas ang kanyang “sugar count” o dahil sa diabetis. Pero ngayon sa tulong na rin ng mga gamot na iniinom niya at sa kanyang mga halaman, sumigla at lumakas ang pakiramdam ng aking inay. Tunay ngang may buhay ang mga halaman dahil nagbibigay buhay ito sa mga taong umaalaga sa kanila. Parang tao din sila, kapag hindi mo inaalagaang mabuti, ang iba sa kanila ay magtatampo at minsan nawawalan sila ng sigla at namamatay. Yong iba nga kinakausap nila ang kanilang mga halaman.

Isa ngang certified Plantita ang aking inay. Patuloy na dumadami ang kanyang nga halaman. May ibat ibang klase, kulay at hugis ng mga dahon at bulaklak. Madalang nga lang ang binta at kita sa ngayon dahil marami na ang nag-aalaga ng halaman sa bahay dahil karamihan sa ating mga inay ay nasa bahay na nagtratrabaho gaya ng mga online selling at online jobs gamit ang kanilang mga laptop at cellphone. Pero salamat pa rin sa magagandang halaman ni inay na nagbibigay ligaya at liwanang sa aming munting tahanan.

0
$ 0.14
$ 0.14 from @TheRandomRewarder
Avatar for phegiel33
3 years ago

Comments