Gulat ka no?

0 17
Avatar for penguinsan
4 years ago

          Ang ekonomiya ng ating bansa ay tunay ngang nagbabago. Sa panahon ngayon ng pandemya, di mawawala ang mga sakuna at pangamba na nadarama. Ngunit, magiging hadlang kaya ito upang di umunlad ang ating bansa? Ano na nga ba ang nangyayari sa Pilipinas?

          Sa syudad kung saan punong – puno ng mga estraktura, madaming pasikot – sikot, madalas magkaroon ng mga kaguluhan, at kilala bilang sentro ng Pilipinas. Maligayang pagdating sa lunsod ng Maynila! Ano nga bang ganap ngayon sa Maynila? Sa kasalukuyan, mainit – init pa sa media, ang tanyag na Manila Bay ay di umano nilagyan ng white sand o artificial sand ng mga opisyales ng gobyerno. Sila lang naman yung mga taong may kakayahan na mamahala, at may mataas na antas sa lipunan. Kalat na kalat ngayon o trending ang usaping ito sa social media, kaliwa’t kanan, may makikita kang mga memes o mga nakakatawang bagay tungkol sa white sand sa Manila Bay. Ang proyektong ito ay umabot sa 398 milyon ang halaga na nagastos sa proyektong ito. Ang tanong ng karamihan “Bakit nilagyan ng white ang Manila Bay?” Ayon sa gobyerno, ang proyektong ito ay naglalayong linisin ang Manila Bay. Nilinis nila ang mga dumi at basura na nakalutang sa Manila Bay Walk at pinalitan nila ito ng artificial sand upang mas lalong magmukhang malinis at kaaya – aya. Dahil dito, nagkaroon ito ng potensyal na maging isang atraksyon sa mga turista. Ngunit, may ibang mga tao ang hadlang sa proyektong ito. Sila yung mga taong nagpoprotesta at walang ginawa kundi pumutak ng pumutak na parang isang manok. Ayon sa mga raliyista at mga environmentalists, ito raw ay nakakasama sa kalikasan, maaari daw bumaha dahil dito, may posibilidad raw na mamatay ang mga hayop na nakatira malapit sa Manila Bay, at wala daw itong maidudulot. Ang di alam ng nakararami, ang paglalagay ng white sand ay sa Bay walk lamang ng Manila Bay, walang sapat na pondo ang pamalahaan upang lagyan ng artifial sand ang buong Manila Bay. Ang sukat nito ay nasa kalahating kilometro mula Philippine Embassy hanggang Manila Bay Walk. Ang alam nating Manila Bay ay isang malawak na katubigan sa lungsod ng Maynila na pinaliligiran ng mga dumi at basura, at napaka – alinsangan; animo’y tirahan ng mga daga. Ngunit ngayon, nag – iba na talaga ang pananaw ng iba dito. Ang Manila Bay ngayon ay luminis at tila ba’y isang binibini na maputi at kaakit – akit. Nung natapos ang proyekto, pansamantalang binuksan ng pamahalaan ang Beach Front ng Manila Baywalk sa publiko. Nagdagsaan ang mga tao dito, at tila ba’y nakalimutan na ang presensya ng pandemya. “Say NO to Quarantine, say YES to Mass Gathering sa Manila Bay.” Dinagsa ito ng mga tao na para bang mga langgam na kumpul – kumpol at nakahanay para lamang makita ang bagong Manila Bay. Ang mga tao ay namangha at tila ba’y namangyan sa kanilang nasaksihan.

          Sa ngayon, patuloy pa din ang pagdagsa ng mga tao dito. Ano kaya ang mangyayari sa mga susunod na araw? Dapat ba tayong magpasalamat sa proyektong ito? Ito na kaya ang simula upang umunlad ang ating bansa?

1
$ 0.00
Avatar for penguinsan
4 years ago

Comments