Ang huling pikit ni Nero — Part 2

0 5

Hingal na hingal si Shawn. Pumasok siya kaagad ng classrom at pumunta sa may lamesang pinagkainan namin. Tinignan niya ako, kaya tinignan ko din siya pabalik. Iba, iba ang tingin ni Shawn. Ayos lang, kasama ko kumain si Patricia eh. Pero pasensyahan tayo, hindi ka pa nobyo kaya wala kang karapatang umasta ng ganyan. Alam kong alam mo yan.

"Nandito ka pala Pat, kanina pa kasi kita hinahanap." Inayos ko na yung pinagkainan namin ni Pat. Ang linis talaga ng lamesa, sobrang sinop niya talagang kumain. Inilagay ko na yung baunan ko sa bag at saka ito sinukbit. Dahil mabait at mapagkumbaba akong tao, alam ko kung saan ang lugar ko ngayon. At iyon, ay iwan 'tong dalawang 'to. Di ko man tanggap, pero ganun talaga. Kahit na karibal 'tong si Shawn, kailangan maging mapagkumbaba. Naglakad na ako ng classroom at hindi na lumingon pa. Ayoko munang tumingin. Baka kasi hindi ko magustuhan. Hangga't hindi pa sila ni Pat, may pag-asa ako. Hangga't hindi siya sinasagot ni Pat, kaya ko.

Nakarating sya sa canteen. Naalala niya yung tubigan niyang inubos ni Pat kanina. May refilling station dito, halos dos lang, puno na ulit ang tubigan ko. Kesa bibili ako ng mineral water, pucha, ten pesos? Ay hindi na. Napakahirap kumita ng pera, haha. Kaya hangga't kayang magtipid, magtitipid. Hala, teka. Nasan yung tubigan ko?

Wala sa bag. Hays, nakay Pat nga pala. Hindi ko pwedeng maiwala yung tubigan na yun kundi, raratratin nanaman ako ni Mama.

Dali-dali akong umakyat ng classroom. Binuksan ko kaagad yung pinto at laking gulat ko nang makitang nakayuko si Patricia. Umiiyak ito. Hawak hawak niya yung tubigan ko sa isa niyang kamay, at yung isa naman ay pumupunas sa mga luha niya. Kumirot ang puso ko. Parang kanina lang ang laki laki ng ngiti ni Pat tapos ngayon, umiiyak na siya.

Nakaharap si Shawn sa kanya. Putangina mo ka anong ginawa mo kay Pat? Naramdaman kong umiigting ang panga ko. Teka kalma Nero, kalma. Lumingon sakin si Shawn.

"Problema 'tol?" Tanong ko. Aba, hindi pwede yang titig na ganyan. Babasagin ko talaga mukha niyan. Nginitian niya ako ng nakakaloko. Nilapitan niya 'ko ng hindi kumukurap ang mga mata.

"Problema ko? Baka ikaw ang may problema. Alam mo yung salitang, lumugar?" Nandilim ang paningin ko.

"Hindi pa ba paglulugar 'tong ginagawa ko ha?"

"Ayusin mo, Nero."

"Ayusin mo din Shawn. Kung umasta ka akala mo ikaw na ang nobyo. Baka nakakalimutan mo ata?" Hinablot niya ang kuwelyo ko kaya napangisi ako ng wala sa oras.

"Kung ako sayo, Nero. Titigilan ko na."

"Edi tigilan mo." Pabalang kong sagot. Kitang kita ko ang galit sa mga mata niya. Binitawan niya ko. Nakita ko ang pag angat ng kamao niya kaya nailagan ko ang suntok niya. Tangina! Sa mukha sana yon! Siraulo to ah! Nagpakawala ulit siya ng suntok at tinamaan ako sa braso. Alam kaya ni Shawn na batak ako sa trabaho?

Sumuntok pa ulit siya ng isa at tinamaad uli ako sa braso. Medyo masakit na. Yung huling suntok niya, sa muka ko itatama. Gago ka ba? Syempre di ko yan padadapuin sa muka ko. Nahablot ko ang kamao niya at sinuntok niya sa mukha.

Sure akong nahilo yan.

Napatingin tuloy ako Patricia.

Sige Pat. Kapag nilapitan mo si Shawn ngayon at nagalit ka sakin, sige. Lalayuan na kita. Tinitigan lang ako ni Patricia. Sige na Pat, puntahan mo na yang manliligaw mo. Naghihintay ako. Hindi pa rin gumagalaw sa pwesto si Pat, iyak lang ng iyak. Di na ako nakapagpigil at nilapitan siya.

Ang old school, pero inabot ko sa kanya yung panyo ko. Kinuha naman niya, at saka pinunas sa mukha niya.

Shit Pat, please don't give me false hopes. Di talaga kita susukuan.

"Thank you." Bulong niya. Anytime Patricia, any time. Nakalimutan ko na may Shawn nga pala. Nakita ko na lang ang pagbago ng ekspresyon ng muka ni Pat. Pagtapos non, nakaramdam ako ng malakas na hampas sa may ulo ko.

—pawi.

1
$ 0.00

Comments