Ang Huling Pikit ni Nero — Part 1

0 8

Sa tuwing pipikit ako, ikaw lagi ang nakikita ko.

Napakaganda, sobrang ganda. Hindi ko na medescribe kung gaano, pero sobrang ganda mo talaga kaya parang kinukurot ang puso ko kapag sinasabi mo saking hindi. Iirap kapa, ngunguso, tapos sasabihan ako na malabo ang mata. Ewan ko ba, ikaw yata ang malabo maya kaya hindi mo makita ang tunay kong nakikita.

Kapag nakikita kita Patricia, alam mo ba, nakakalimutan ko lahat ng problema ko. Nawawala lahat ng pagod ko, pati sakit ng katawan ko nawawala. Pag kagising ko ng umaga, ang bigat ng bigat ng katawan ko pero kapag inisip ko na makikita naman kita sa school, nawawala ang katamaran ko. Kapag nararamdaman kong bumabagsak na ang ulo ko sa klase sa sobrang boring magturo ni Ma'am, tignan lamg kita saglit, sisipagin na ulit akong makinig kasi ganun ka rin. Bago naman umuwi, susulyap ulit ako sayo saglit para malakas ako sa panggabi kong trabaho araw-araw. Salamat, pero ikaw talaga ang pinagkukuhana ko ng lakas. Pasensya na Pat, kung pandaraya 'tong ginagawa ko ha. Wala pa kasi akong sapat na lakas ng loob para ipagtapat sa'yo ang nararamdaman ko hangga't nandyan si Shawn naka bantay sa'yo.

Balita ko, nililigawan ka daw? Ayos lang, basta't gawin ka niyang masaya, okay na sa'kin yun. Masakit, kasi gusto ko ako ang magbubuhat ng bag mo at magpapayong sa'yo, pero titiisin ko na lang. Wala naman akong magagawa, kung siya naman ang gusto mo.

Isang araw, mag-isa akong kumakain sa classroom. Napaaga kasi ako ng gising kaninang madaling araw kaya nakapagluto ako ng ipang babaon ko. Tipid na rin, kesa bumili ng pagkamahal mahal na ulam sa canteen, hindi naman masarap. At least tong luto ko, sigurado akong mabubusog ako. Grabe, sobrang sakit na ng likod ko. Pambihirang Jollibee kasi yan, di magka mayaw ang tao. Nag-unat ako panandali kasabay ng malakas ng pagbukas ng pinto. Nagulat ako kaya napatingin ako kung sino. Ikaw pala.

"Soooooorrrryyyy." Sabi mo. Namumula ang mga tainga mo. Bakit, di mo ba expect na may tao dito sa classroom?

"Sorry! Akala ko kasi walang tao! Hehe. Ano yang kinakain mo?" Lumapit ka sa may lamesa ko at dumukwang sa kinakain ko. Hindi ako makapagsalita kasi puno ang bibig ko. Mahirap na.

"Wow adobo! Masarap yan!"

Kinabahan akong bigla. Buraot ka kasi. Kapag may nakitanf pagkain, hihingi agad. Kakain agad. Kahit ano pang pagkain yun, kukuha at kukuha ka. Well, ayos lang naman sakin. Paglutuan pa kita ng marami... Kaso, puta, baka hindi mo type lasa ng adobo ko. Masarap naman to... Maanghang... Kaso baka hindi mo magustuhan. Pucha naman oh, bat ako napapraning?

"Patikim ako ah!" At ayun na nga, kumurot ka ng baboy at saka sinubo.

"Napakasarap!! Ikaw nagluto neto?! Napakasarap naman!"

"Gusto mo pa?" Ngumiti ka ng pagkaganda ganda. Hay, Patricia, basta talaga pagkain. Tumango tango ka. Pinaglagyan kita ng kanin sa takip ng baunan ko at saka binigay ang tinidor ko sa'yo. Sige, kumain ka lang dyan. Binagalan ko ang pagkain ko para marami kang makain. Mabuti yan, kain lang ng kain. Grabe, napakaganda mo talaga.

Ah! Tubig, baka maanghangan ka na. Kinuha ko muna saglit sa bag ko ang tubigan ko, at saka tinabi sa pinagkakainan mo. Maayos ka kumain ah, medyo nakakagulat. I mean kasi, diba medyo sabik ka sa pagkain, kaya nakakagulat na ang sinop mo sa hapag. Ni isang butil ng mumo, walang ka man lang natanatapon.

"Oh bat di ka kumakain?" Tanong mo.

"Sige, kain ka lang dyan." Makita lang kitang busog, busog na rin ako. Haha, corny. Naubos mo na yung kanin sa takip.

"Tubig?" Tinuro ko yung tubigan ko na nasa tabi ng takip ng baunan ko. Napa, 'hehe' ka na lang. Sabi sayo na eh, maanghang nga kasi talaga ulam ko. Di ata napansin na naistraight mo yung tubig ko. Okay lang, bibili nalang ako mamaya sa baba.

Bakit nga pala di mo kasama si Shawn?

Sus, as if matatanong ko yan. May nangyari kaya sa inyo? Nagaway kayo? Kung ano pa man yan, salamat kase nakasabay kitang kumain kahit pano. Natikman mo ren ang specialty kong adobo.

Biglang bumukas yung pinto kaya nabitawan mo yung takip ng tubigan ko.

Si Shawn pala yun.

— pawi.

1
$ 0.00

Comments

Hmm.... don't know what language was use here but I accepted it any ways hope it not containing any wrong content

$ 0.00
3 years ago