Uncomfortable feeling!my highschool days!

2 26
Avatar for pamus18
2 years ago

Noong nasa third year high school pa lang ako wala akong nararamdam na kakaiba sa katawan ko. Madalas akong makigpaglaro sa mga kaibigan at sa pinakamatalik kong kaibigan na kapitbahay lang namin.

Minsan ay pumunta sya sa aming bahay para kami ay may gagawing assignment kasi kailangan namin tapusin para maepresenta namin bukas sa klase. Noong linggo iyon ang feeling ko talaga sa katawan ko ay mabigat na hindi ko maipaliwanag.

Habang kami ay nagkwentuhan sa sala, tumayo ako bigla para kumuha ng makain namin at inumin ng biglang sinabihan ako ng matalik kong kaibigan na si Ramil, at take note po isa siyang lalake.

"Oi, bestfriend , ano ba yang sa likod ko? May stain ka yata!."

Sabi ko naman "huh!, anong stain ba yang pinagsasabi mo ? Andito tayo sa may sala , eh malinis dito."

Ang tinutukoy pa lang niya na stain ay sa likuran ko, sa short ko na kulay pa naman puti.

Hinawakan ko shorts ko at hinili ko ng kaunti para makita ko.

"Ay, ano to ?"

Tapos biglang sumakit ang tiyan ko.

"Teka lang bestfriend titingnan ko muna ko sa cr kasi masakit din ang tiyan ko"

Mga ilang minuto sa cr. " Bestfriend , help naman oh!"

" Bakit ba?! , bigla ata dyan nagsisigaw?ano bang nakita mo ba at ganyan ang reaksiyon mo?"

"Tawagan mo si mama andun sa may likod!"

Pinuntahan ni Ramil yung mama ko sa likod at sinabihan na puntahan niya ako sa cr kasi doon ako nagkulong ng ilang minuto. Dali-dali naman yung mama na pumunta sa may cr at sabi.

"Hoy! anak anong ginagawa mo diyan, lumabas ka nga? anong problema at pina munta ko ako dito? sabi ni Ramil may problema daw?"

Binuksan ko yung pinto at pinapasok ko yung mama at pinakita yung short kung bakit ganito at biglang tumaya ang mama ko.

"Anak, easy ka lang wala lang yan, ang ibig sabihin niyan ay dalaga ka na!".

Nang marining ko ang salitang dalaga ay bigla akong natahimik. Dalaga na ako at ang unang nakaalam ang bestfriend ko pang lalake. Kahit sinabi lang nya na may stain sa short ko pero alam ko naman na alam na niya na ganun ang nagdadalaga.

Nahihiya na akong lumayas sa cr at sabi ng mama ko huwag kang mag-alala kahit alam ng besftriend mo na dalaga ka na hindi naman niyan magbully sayo kasi mabait naman siyang tao.

Lumabas na ako kasi inasikaso ng mama ko yung mga pinalagyan ng damit ko inayos na niya. Nakita ko parin si Ramil sa may sala naghihintay.

" Bestfriend, huwag ka nang mahiya sa akin lahat naman ng babae ay dadaan ng ganyan."

Nagsmile lang ako sa kanya at sabi ko.

"Bestfriend pwede ikaw na lang ang tumapos sa assigment natin kasi malapit naman yang matapos, iba na kasi pakiramdam ko"

Pumayag naman si Ramil na siyang ang tumapos sa assignment namin at umuwi na.

Nang wala na siya sa may sala, yung mama ko lumapit at may sinabi.

" Halika dito anak, lumundag ka sa may hagdan natin para maging matabgkad ka, at yung panty mo labhan mo at ipunas sa mukha mo."

At bigla akong tumawa nang malakas,

"Mama bakit ganun po?, ano bayang pinaggagawa mo sa akin?!"

Sumagot si mama,

"Anak, pinaglilihi kita kasi dalaga kana, yung din ang ginawa ko noong nagdadalaga ako. Lumundag ako sa may hagdan at pinunas ko yung sinuotan ko sa mukha at ayan matangkad ako at makinis ang mukha ko. Tingnan mo mukha ko di ba maganda at makinis ?! " sabay tawa.

Wala akong magawa kay sinunod ko lahat sa pinaggawa ng mama ko kasi mama ko siya at wala akong magagawa. Pero tanong ko lang sa sarili ko,

" Anong connection nang lumundag sa may hagdan at ipunas sa mukha ang suot kong panloob?".

"Mayroon ba talagang ganyan pinaggagawa ko?!. "

Isa talaga itong palaisipan hanggang sa ngayon. Sabi pa ng mama ko huwag maligo kasi yung katawan natin baka mabinat kaya iba ang pakiramdam natin pag meron tayo sa isang babae buwan-buwan.

Hanggang natapos ko ang high school ko at sa ngayon tuwing may dalaw laging ganito masakit sa pakiramdam ko, iniintindi ko lang kasi katawan ko to wala akong magagawa.

Thanks for reading!

leadimage@unsplash.com

0
$ 0.02
$ 0.02 from @Sequoia
Avatar for pamus18
2 years ago

Comments

Well, para sa akin , hindi ako naniniwala sa ganyang pamahiin eh hihihi

$ 0.00
2 years ago

Ako din sis pero sa mama ko ginawa ko na lang para di magalit.

$ 0.00
2 years ago