Mga Tanawin!

0 45
Avatar for pamus18
3 years ago

Likas na mayaman ang Pilipinas sa kalikasan kaya naman sikat ang bansa natin hindi lang sa South Asia kundi sa buong mundo ang mga natural yaman ng bansa na ipinagmalaki natin. Narito ang mga ilang tanawin na dito lamang sa Pilipinas makikita na dapat natin ipagmalaki.

Chocolate Hills

Ang Chocolate Hills ay matatagpuan sa Visayas , sa lugar ng Bohol. Bilang ng Chocolate Hills ay nasa 1,776 na nakakalat. Ito ay napapalibutan ng mga luntiang damo na kapag tag-araw ang magiging kulay nito ay parang isang chocolate kaya naman ito ay tinatawag sa ganyang pangalan.

Mayon Volcano

Isa itong pinaka magandang atraksyon na makikita sa lugar ng Albay. Napaka aktibo itong bulkan na ito. Sinasabi na ito na ang " Perfect Cone" na bulkan kasi tingnan natin ang hugis nito na perpekto. Marami naman bulkan sa Pilipinas pero naiiba ang Bulkang Mayon kasi sa taglay nya perpektong hugis kaya naman kapag aktibo ang bulkang ito marami mga taga media ang mag-aantabay sa pagkuha ng ensaktong kuha sa pagbuga ng bulkan Mayon.

Banaue Rice Terraces

Hindi ko lubos maisip kung paano ba ito nagawa ng mga ninuno sa Ifugao. Nakasulat kasi sa kasaysayan ng bansa na mga ninuno ang gumawa nito. Paano ito nila nagawa noong panahon na hindi pa kumpleto sa kagamitan. Ito ay palaisipan kung bakit nakagawa ng maituturing na pinakamalikhain gawa ng isang tao na nakasulat sa "Wonders of the World. "

Coron Palawan

Ang isla ng Coron Palawan ay isa sa mga dinarayo ng mga turista sa hindi lokal kundi mga ibat-ibang turista sa ibang bansa. Napakaganda naman talaga ang islang ito kaya hindi nakapagtatakda na maraming pumupunta dito lalo na kapag summer.

Boracay

Pinakatanyag na dalampasigan ng Pilipinas at sa buong mundo. Napabilang ito sa mga pinakamagandang beach kaya naman marami ang pumunta nito mga turista, mga artistang lokal at international. Dito rin idinaos ang mgaprograma ng gobyerno at mga pribadong sektor.

Puerto Princesa Subterranean River

Ito ay isang kweba na matatapuan sa lugar ng Palawan. Isa itong underground river kaya't marami din dito ang pumunta para makita ang mga limestones sa ilalim ng kweba. Sasakay ka sa isang bangka kasama ang tourist guide patungo sa dulo. At doon sa loob ng kweba makikita ang mga nagagandahang limestones.

  • Marami pang mga tanawin ang makikita dito sa Pilipinas pero di ko na lahat mailagay kasi limitado lang ang kaya kong mailagay dito at hanggang susunod na lang :).

  • Sa lahat ng mga tanawin na nailagay ko sa itaas ay wala pa akong napuntahan pero siguro sa susunod baka mapuntahan ko na pagkatapos nitong pandemya. Ang una kong pupuntahan ay ang isla ng Boracay. Mahilig kasi ako sa beach , magtampisaw sa dagat.

Thanks for reading...

Photo@google.com

2
$ 0.00
Avatar for pamus18
3 years ago

Comments