Hi guys!
Share ko lang itong tula tungkol sa ating pambansang bulaklak, ito ay ang Sampaguita.
Ang Sampaguita Noon at Ngayon
Noong unang panahon
sampaguita'y salat,
Sa bango at ganda
kaya't hinahamak;
Inaapi't nilalait
ng mga bulaklak;
Kaya't sampaguita'y
laging umiiyak.
Narinig ng Anghel
iyak na may dusa,
Kaya ang ginawa'y
tinipon niya;
Mumunting bituin
na nasa bulsa niya,
Saka isinaboy
sa halamang sampaguita.
Ang bawat bitui'y
naging bulaklak,
Na puting-puti't
humahalimuyak;
Unang sampaguita'y
sakdal ng dilag,
Bulaklak ngayong
pambansang sagisag.
Bitin ba? Haha! Sana nagustohan ninyo. Pakisubscribe naman diyan para may maishare pa akong mga tula sa inyo. Magcomment na rin sa baba.
Maraming salamat!