Ang Kabundukan

0 35
Avatar for pakerts
4 years ago

Good morning guys!

Share ko lang isang tula tungkol sa kabundukan.

Ang Kabundukan

Tumingin-tingin ka sa ating paligid

Biyaya ng Diyos ang 'yong namamasid

Sa kabutihan Niya anong ipapalit?

Pangalagaan mo nang may maisulit.

Itong kabundukan bahagi ng yaman

Kahoy, bunga, metal ang matatagpuan

Sa Luzon, Visayas, doon sa Mindanao

Laganap ang lupang lagusan ng araw.

Pinakamataas, kilala sa lahat

Ang bundok ng Apo nitong Pilipinas;

Mga burol at bundok, may kalat-kalat

May kabit-kabit, mababa't mataas.

Bitin ba? Haha! Sana nagustohan ninyo. Pakisubscribe naman diyan para may maishare pa akong mga tula sa inyo. Magcomment na rin sa baba.

Maraming salamat!

0
$ 0.00
Sponsors of pakerts
empty
empty
empty
Avatar for pakerts
4 years ago

Comments