Teenage pregnancy

0 12

Teenage pregnancy o maagang pagbubuntis. Bakit di natin talakayin? Gaano na ba karami sa ating bansa ang nakaranas nito? Bakit ba nangyayari ito?

Ayon sa Philippine Statistic Authority o PSA, 538 na mga sanggol ang isinisilang sa bawat araw dito sa ating bansa. Kung iisipin mo isa ito sa dahilan kung bakit malaki ang populasyon ng ating bansa. Ano nga ba ang dahilan kung bakit nangyayari ito?

Ang sumusunod ay ilan sa mga nasabing dahilan ng Teenage Pregnancy:

  • Una ay ang pagkakaroon ng sexual intercourse sa edad na 14 o mas mababa pa.

  • Pangalawa ay kakulangan sa kaalaman tungkol sa Sex Education.

  • Pangatlo, ang mga magulang ay hindi madalas nakakausap ng bata tungkol sa bagay na ganito.

  • Pang-apat, kakulangan sa impormasyon ukol sa Family planning.

  • Panglima ito ay tinatawag nilang "cultural practices of early union". Ito ay ang pagkakasundo ng dalawang pamilya na maikasal ng maaga ang kanilang mga anak.

Ilan lamang ito sa mga nagiging sanhi kung bakit dumarami ang nagbubuntis ng maaga dito sa ating bansa. Hindi lang sa ating bansa kundi sa buong mundo.

Paano nga ba natin ito maiiwasan? Hindi pa huli ang lahat.

Marami akong kilala na nakaranas ng ganitong sitwasyon. Maliban sa mga nabanggit ko sa itaas, may mga bagay na naging dahilan kung bakit sila nabuntis ng maaga.

Nag-umpisa ang lahat sa kanilang pamilya. Hindi lahat. Pero mayroong iilan na nang dahil sa di sila masyadong natutuunan ng pansin ng kanilang mga magulang. Yung iba naman dahil nakaranas sila ng broken family at ginustong gumawa ng sarili nilang pamilya. Alin man sa mga ito ang dahilan mas mainam siguro sa ating mga pamilya na bigyang pansin ang mga bata. Gabayan sila sa kanilang dapat tahakin upang di nila pagsisihan at nang mapagtagumpayan nila ang kanilang mga hangarin sa buhay.

1
$ 0.00

Comments