Pera

0 14

Lahat naman siguro tayo alam kung ano to. PERA. Pera lang naman ang pangunahing dahilan kung bakit nagkakagulo ang mga tao ngayon sa ibat-ibang sulok ng mundo. Pera ang dahilan kung bakit may mga taong gumagawa ng masama. Ang pera ang ginagamit natin para mabuhay sa araw araw. Ito ang pinagkukunan natin ng mga pagkain, damit at kung anu ano pa. Malamang kung wala kang pera wala kang pambili ng mga pangangailangan nyo.

Sa panahon natin ngayon marami na ang gumagawa ng paraan para kumita. May mga nagba blogger, may mga nag-oonline selling, may mga nagtitrade at kung anu ano pa. Nakakatuwa kasi sa ngayon dumarami ang pwede nating pagkakitaan online.

Subalit kahit marami na ang gumagawa ng paraan para kumita sa ngayon, may mga tao pa ding gumagawa ng masama. Isa na dyan ang pagnanakaw. Kung sana lang wala nalang mahirap o mayaman. Kung sana lang pantay pantay tayong lahat. Kay ganda siguro ng ating mundo. Wala nang gulo at nagkakaisa ang mga tao.

Umaasa ako na sana dumating ang panahon na mangyari iyon. Nananalig pa din ako sa ating Panginoon. Hanggang dito nalang. Salamat sa inyo.

1
$ 0.00

Comments