Part 8

0 8
Avatar for p0g1ako
3 years ago

Alexandria's POV:

Bakit ba ang saya-saya mo beshy? Si Gab pa din ba yang katext mo?

Hehe oo beshy. Eh kaso naman makapambola sa akin wagas. Kinikilig pati kaluluwa ko.

Hay naku beshy, napakaharot mo ngayon. Uwi na tayo?

Teka lang. Gusto ko magkape beshy. Meron malapit na coffeeshop dito. Treat ko naman! -Alec

Oh sige ikaw bahala. Tara na.

Habang palabas kami ng restaurant bigla na lang lumakas ang kaba sa aking dibdib. Hindi ko maintindihan kung bakit.

Beshy? Okay ka lang ba?

Oo okay lang ako. Baka napagod lang ako. Napagod kakanood sayo kumain. Hahaha

Ang harsh mo sakin besh huhuhu.-Alec

Eto naman di na mabiro. Nasan ba yung coffeeshop na sinasabi mo besh? Baka naman masyadong mahal dun?

Hindi beshy. May discount ako dun hahaha

Ewan ko sayo.

Nakapasok na kami sa coffeeshop na tinutukoy ni Alec. Nagulat ako kasi ang ganda sa loob nito. Nakakarelax at tahimik.

Bakit walang tao dito beshy? Private ba to?

Andami kong tanong pero tila walang naririnig itong kasama ko. Bagkus ay dumiretso ito sa isang table at doon naupo.

Hello? May kasama ba ako dito? Hello beshy?

Ay sorry beshy. Sige order na tayo.

May tsaa ba rito beshy? Yun na lang siguro sakin.

Sus nahiya ka pa Andria! Libre ko naman to don't worry. Wala kang ilalabas na pera dito hahaha.

Grabe ang kulit talaga ng kaibigan kong ito. Di ko malaman kung lasing ba to o inlove eh. Sabagay matagal na nyang crush etong si Gab. Ngayon lang kasi sya napansin ng lalaking yun. Ilang taon na ang lumipas ngayon nya lang napansin tong kaibigan ko.

Habang nag-aantay ng order ay kinuha ko muna ang cellphone ko at syempre nagsoundtrip muna. Total busy naman tong kasama ko sa textmate nya edi soundtrip muna ako. Ilang minuto pa ang nakalipas may dumating na mga customer. Pero di ko masyadong aninag ang mga hitsura nila. Nakatalikod kasi sila. Hinayaan ko na lang. Maya-maya pa ay bigla akong kinalabit ni Alec.

Beshy, beshy.

Bakit? Nandyan na ba yung order natin?

Hindi beshy. Pero andyan na yung inorder ko hahaha char!

Nabigla ako ng makita ko sina Gab. Pero wala si Axel. Bakit kaya? Hays. Wag ko na ngang hanapin yung wala. Eh baka may jowa na yung tao.

Inasikaso ba kayo ng mabuti dito? - ani Nicholas.

Oo naman. Sinabi ko ba naman pangalan nyo eh! Hahaha sabay tawa ni Alec.

Teka lang? Coffeeshop nyo to? - tanong ko.

Oo Andria. - Evan.

Teka lang. Bakit kulang kayo? Asan si Axel? - tanong naman ni Alec.

Naku nag-cr lang sya. Maya-maya dadating din yun.

Sa di ko maipaliwanag na dahilan bigla na lang akong nabuhayan ng loob. Bakit ba ganito. Ano ba tong nararamdaman ko..

Nagkwentuhan ang lahat nang dumating si Axel.

Hi guys. Sorry medyo naligaw kasi ako. Yung tinetext ko kasi eh busy masyado. -sabay tingin kay Gab.

Ay bro nagtext ka pala. Sorry nakasilent kasi phone ko eh.

Sus! Pero kanina ang lakad nung tunog pag si Alec yung nagtext.

Tama na bro. Maupo ka na lang. Dun ka na sa tabi ni Andria.

Next...

1
$ 0.00
Avatar for p0g1ako
3 years ago

Comments