Part 7

0 12
Avatar for p0g1ako
3 years ago

Gab's POV:

Nakakapanghinayang naman. Ilang oras lang silang nagtagal dito.

Mas nakakapanghinayang yung di mo man lang nakuha yung number nya. - Axel

Ang hina mo naman bro! Ako nga nakuha ko eh !

Talaga? Edi good news yan! - Axel

Bakit good news bro?- Evan

Eh kasi bestfriend ni Alec si Andria so it means na parati silang nagkikita di ba?

Oo nga. Talino mo bro! - Evan

Ang ganda ganda nya. Di ko akalaing ganun kalaki ang magbabago sa hitsura nya. Naalala ko pa noon napakatahimik nya.

Alec's POV:

Di ko alam kung bakit kinikilig ako. Siguro dahil sa gwapo sya. Sayang naman at nagyaya agad si beshy na umuwi. Pero ok lang kinuha nya naman ang number ko. Teka lang bakit ba parang ang harot ko ngayon.

Beshy? Sorry ha- Andria

Ha bakit naman?

Eh kasi alam ko namang nag-eenjoy ka pa sa party kaso nagyaya ako bigla umuwi.

Ano ka ba? Okay lang yun! Wag mo nang isipin yun. Hahaha atsaka katext ko naman si Gab ngayon eh!

Hala sya! Hoy beshy ang harot mo. Binigay mo yung number mo sa kanya?

Oo bakit? Ano ka ba beshy malay mo naman si Gab na pala yung prince charming na matagal ko nang inaantay!

Hahaha siraulo ka talaga. Basta wag agad agad ang pagsagot ha!

Beshy di pa naman sya nanliligaw eh? Nag-aassume lang ako hehe.

Dun din punta nyan. Basta wag ka lang sasaktan nung mokong na yun. Lagot sya sakin!

Thank you beshy ko. Love na love mo talaga ako! Ngapala san ang punta natin ngayon? Gusto ko pa gumala beshy eh!

Ikaw talaga. Nakakain ka ba kanina sa reunion?

Hindi nga eh! Inuna ko kasi yung landi ko eh hahaha.

Edi kumain na muna tayo! Nagugutom na din kasi ako eh.

Gab's POV:

Uy bro! Sino ba yang katext mo at kanina ka pa nakangiti habang nagtatype ng message dyan? - Axel

Si Alec bro. Kakain daw sila sa labas ni Andria ngayon.

Hi boys? Umalis na pala yung mga bruha. - Steph

Oo nga eh. Sige mauna na din kami sa inyo girls.

Tara boys!

Ha? Ano ba yan! Mamaya na kayo umalis. -Izabelle

Hayaan nyo na girls. Wag kayong maghabol. Hayaan nyo sila. -Stacy

Habang nasa byahe, so san tayo ngayon?-Evan

Sa coffeeshop nyo bro. -Axel

Oo tama. Di pa pala natin nadadala si Axel dun.

Alexandria's POV:

Andito kami ngayon sa isang restaurant. Grabe yung beshy ko makakain akala mo di nakakakain sa araw-araw.

Hindi talaga uso sayo ang diet beshy ano?

Hahaha kilala mo ko beshy. Noon pa man ganito na ako! - Alec

Beep..beep..

Excited na kinuha ni Alec ang kanyang cellphone at excited nya itong binuksan.

Next.

0
$ 0.00
Avatar for p0g1ako
3 years ago

Comments