Part 6

0 8
Avatar for p0g1ako
3 years ago

Alec's POV:

Habang naglalakad....

Besh, naiihi ako? -Andria

Ganon ba besh? Ms. Leah? Okay lang po ba kung mag cr po muna kami. Sunod na lang po kami doon.

Sige okay lang. Antayin ko na lang kayo sa venue.

Habang nasa Cr...

Besh, ok ka lang ba?

Oo naman. Bakit mo natanong?

Kala ko kasi di ka okay. Kaya ka nagyaya dito sa cr eh.

Sira! Kanina pa kasi ako ihing ihi. Di ko na kayang pigilan. -Andria

Tara na!

Tapos na ako.

Sa venue...

Guys! May humabol pa sa ating reunion. Nakakatuwa kasi akala ko di na sila darating.

Sino naman yun maam? - Steph

Akala ko maam kumpleto na tayo. - Stacy

Ayan na pala sila! -Ms. Leah

Napatingin ang lahat sa pinto.

Sina Ms. Alexandria at Ms. Alec! Siguro naman natatandaan nyo pa sila?

Weeh? Eh hindi naman sila yan maam e! Niloloko nyo po ba kami? Prank po ba to?

No. Hindi ko kayo niloloko.

Hi guys? Long time no see. - Alexandria

Di nyo ba kami nakilala? -Alec

Hi Alec? - Gab.

Hi? Gab? Kumusta ka? Long time no see ah! -Alec

Tara join kayo sa table namin Andria and Alec? -Evan

Axel's POV:

Sina Ms. Alexandria...

Nagulat ako nang marinig ko ang pangalan nya. Napatingin ako sa pintuan. T-teka? Siya nga ba talaga itong babaeng nakikita ko? Ang laki ng pinagbago nya. Pero bakit parang hindi ko makita sa kanya yung dating babaeng nagustuhan ko. Kasalanan ko ba ito?

Habang nag-iisip nakita kong papalapit sila sa table namin.

Hi guys. - Alec

Wala nang bakante dito. Bakit andito kayo? May iba pa namang table doon. -Izabelle.

Ako ang nagyaya sa kanila dito Belle. -Evan

Mukhang wala na atang mauupuan dito besh. Hanap na lang tayo ng iba.-Andria

M-meron pa. -nasambit ko na lang bigla.

What?- Stacy. Kung papaupuin nyo sila dito edi aalis na lang kami!

Okay girls. Bye.- Gab

Wtf? Cmon girls! Sa iba na lang tayo maki join! - Stacy

Nang makaalis ang tatlo...

Alexandria's POV:

Please kalma self. Kalma. Umalis sina Stacy dahil ayaw nila kaming kabonding. Pinaupo kami ng grupo nila Axel sa table nila.

Mukhang asensado na tayo girls ah. - Nicholas

Naku, di naman. Kayo mukhang asensado na. -Alec

Ang ganda mo Alec! -Gab

Naku matagal na. Ngayon mo lang napansin? Sabagay di ka naman talaga namamansin noon pa man.

Habang nagkukwentuhan ang lahat, tahimik lang akong nakikinig sa kanila.

H-hi? Kamusta -Axel

Ok lang naman. -matipid kong sagot

Wala na kong balita sayo since nagtapos tayo ng highschool ah. - Axel

Oo nga eh. Medyo naging busy kasi ako sa College life ko.

Medyo naiilang pa ako makipag-usap kay Axel pero gustong gusto ng puso ko na makausap sya. Pero bakit? Hindi pwede to! Ayaw ko nang masaktan pa ng paulit-ulit. Tama na Andria. Maawa ka sa sarili mo.

Pwede ko ba mahingi ang contact number mo?-Axel

Para saan?

Para kung sakaling may gimik kami mayaya namin kayo.

Sorry pero wala akong time sa mga ganun.

Gusto pa sana nila kaming kabonding pefo nagyaya na ako kay Alec para umuwi.

Besh? Halika na. May appointment pa ako bukas e hindi ako pwede malate.

Ah ganun ba besh? Sige paalam muna tayo kina Ms.Leah at Sir Adam.

Guys pasensya na kayo, kailangan na namin umalis. May meeting pa kasi kami bukas eh at bawal malate. Next time na lang. -Alec

Grabe aalis kayo agad? Parang kararating nyo lang eh- Gab

Sorry talaga. Sige na. Bye.

1
$ 0.00
Avatar for p0g1ako
3 years ago

Comments