Part 3

0 12
Avatar for p0g1ako
3 years ago

Habang nasa mall, nagsa shopping ang dalawa, nakita sila ng dati nilang kaklase.

"Hoy! Andria? Ikaw na ba yan?" - dating kaklase.

Bakit parang gulat na gulat ka dyan? -Alec

Nashock lang ako! Di ko kasi inakala na ganyan kalaki ang pinagbago ni Andria. Ang bilis ng panahon, parang kailan lang nag-aaral pa tayo tapos ngayon heto na tayo. Ngapala, pupunta ba kayo sa reunion?

"Not sure eh, try namin"- Alec

Ahh ganun ba? Oh siya sige! Dito na ako. Sana makapunta kayo sa reunion. Masaya yun. Sige ingat kayo.

Nang makaalis na ang dati nilang kaklase agad namang pumili ng mga damit sina Alec at Alexandria.

"Beshy halika dito dalian mo! May nakita akong damit na babagay sayo". -Alec

T-teka lang! Sandali.

Makalipas ang ilang oras ay nakapili na sila ng susuotin nila sa reunion.

Alec's POV:

Hays salamat, nakauwi na rin.

Anak kamusta ang araw mo? Nalate ka ba kanina?

Hindi naman po ma, nagkita po kami kanina ni Andria.

Talaga? Kamusta naman siya? Sabihin mo nga sa kanya ay nagtatampo na ako. Kailan ba siya ulit dadalaw dito sa bahay? Hindi na sya nagpapakita sakin.

Si mama talaga! Bakit ka naman nagtatampo dyan? Alam mo namang busy lang si Andria sa work. Wag ka mag-alala makakadalaw din sya dito pag di na siya busy.

Sige. Basta sabihin mo dumalaw naman siya sakin. Sige maiwan muna kita rito at magliligpit ako ng mga nilabhan ko.

Sige po ma.

Ano kayang mangyayari sa Sunday? Lord sana okay lang si Andria. Alam nyo naman po yun masyadong tahimik. Sana okay na talaga siya. Basta kayo na po ang bahala samin sa Sunday.

Makalipas ang ilang araw, Sabado ng umaga.

Alexandria's POV:

"Kriiiinggg!Kriiingggg!Kriiing!"

Ang aga naman tumawag neto! Inaantok pa yung tao eh. Sino kaya to?

"Hello? Who's this?" -Andria

"Is this Miss Alexandria Aubrette?"

Yes, why? Sino ba to?

"This is Ms. Leah Zento"

Ms. Leah? Yung adviser ko po nung High School?

Yeah. Nakuha ko tong number mo kay Alec. Gusto ko lang sana itanong kung makaka attend ka bukas sa ating reunion?

"Oh, oo nga po pala. Bukas na pala iyon. Yeah maam. Aattend po kami ni Alec. What time po ba ang start ng program?

6pm. Sige ha asahan ko kayo dun. Okay bye bye.

Next.....

1
$ 0.00
Avatar for p0g1ako
3 years ago

Comments