My little girl

0 10

Hello everyone! Gusto ko lang kayong tanungin kung may mga anak din ho ba kayong babae?

Proud daddy ako kasi mayroon akong baby girl. Actually two years old na sya! Sobrang saya namin nang dumating sya sa buhay namin ng asawa ko. Syempre proud ako kasi ang talino nya at syempre cute.

Minsan napapaisip ako sobrang bilis ng panahon. Parang dati lang tulog lang sya ng tulog, gapang ng gapang atbp. Tapos ngayon sobrang likot na nya, yung parang gusto nya libutin bawat sulok ng bahay nyo. Nakakapagod pero nakakatuwa. Di namin sya pinipigilan sa mga bagay na gusto nyang gawin.

Lahat ng tao natutuwa sa kanya. Napakalambing nya rin pala. Gustong gusto nya yung iha-hug at iki-kiss sya ng maraming beses. At isa pang nakakatuwa sa kanya eh kapag nadadapa sya, di sya umiiyak. Tatayo lang sya tapos maglalaro ulit. Hindi namin sya sinanay na tuwing nadadapa sya ay aalalayan namin sya.

At nagpapasalamat ako sa Panginoon dahil binigyan nya ang anak ko ng malusog na pangangatawan at malakas na immune system lalong lalo na sa panahon ngayon.

Ingat po tayong lahat! At God bless. More blessing pa sating lahat!

1
$ 0.00

Comments