It's always YOU

0 8

Part1:

Alexandria's POV:

Good morning maam! May tumawag po pala kanina. Galing po sa isang unibersidad, ani ng aking sekretarya.

Ganun ba? Ano ang sinabi sayo?

Meron daw po kayong reunion ng batch po ninyo sa darating na Linggo. Inaasahan po nila ang pagpunta ninyo.

"Sige, maraming salamat Daisy". Maaari mo na akong iwan. Tatawagin nalang kita kapag may kailangan. Salamat.

At umalis na nga si Daisy. Nang mag-isa na lang si Alexandria sa kanyang opisina, agad nyang tinawagan ang kanyang matalik na kaibigan upang ipaalam ang nasabing reunion.

Alec's POV:

"Tanghali na anak! Baka malate ka sa trabaho mo!" Gumising ka na dyan!

Mama naman eh! Ang ganda na ng panaginip ko eh! Hahalikan na ako nung Prince Charming ko eh. Naudlot pa tuloy.

"Mas maganda kung sa totoong buhay ay mayroon ka ring ganun anak. Kaso wala ka namang boyfriend eh" pang-aasar ng mama ko.

Sige na mag-asikaso kana at baka ka mahuli sa trabaho mo.

At iniwan na nga ako ni mama sa kwarto. Maliligo na sana ako nang bigla namang tumunog ang cellphone ko.

"Kriiiiingggg! Kriiiiiinnnngggg!"

Agad kong kinuha ang aking cellphone at tiningnan kung sino ang tumatawag.

"Hello girl? Ang aga naman ng chika mo! Maliligo pa lang ako. Ano ba iyong chika mo na yan?" tanong ko sa aking beshie.

Natawagan ka na ba ng University natin noon? - Alexandria.

"Ha? Hindi pa. Bakit ano bang meron?".

"Reunion."

Abangan.

1
$ 0.00

Comments