Food is life

0 15

Kamusta kayo? Lahat naman tayo familiar na sa ganitong linya. Well ang sarap naman talagang kumain. Kain dito, kain doon. Anu-ano ang mga paborito nyong kainin?

Dati kasi di ako mahilig magkakain. Sobrang busy ako lagi kakalaro online. Kaya sobra din ang payat ko noon.

Not until nakilala ko ang misis ko. Sobrang hilig nya kumain. At gusto nya lahat ng kinakain nya kakainin ko rin. Nakakatuwa rin kasi ang pamilya nya ay sobrang galing mag imbento ng kung anu-anong pagkain.

Doon ko lang natikman lahat ng mga pagkaing ito; adobong kangkong, adobong talong, adobong toyo (sobrang hilig sa adobo), tortang kangkong, pritong talong, ginisang pechay, malunggay na may sardinas, alugbating may sardinas, ginisang repolyo sa corned beef atbp.

Dati wala akong hilig sa mga gulay, pero nang naging kami ng misis ko gusto nya kumain ako ng kumain ng gulay.

At dahil nga dun lahat ng nakakakilala sakin o mga kaibigan ko natutuwa kasi ang taba ko na daw. Ano daw sekreto? Sagot ko siguro kapag inalagaan ka lang ng tamang tao.

Bukod pa pala sa mga gulay eh syempre kumakain din kami ng mga streetfoods. Sino ba naman ang hindi. Ang sarap kaya! Lalo na yung mga fishball, barbecue, kwek kwek, tokneneng, kalamares, atbp.

Kayo? Anong mga paborito nyong pagkain? Share nyo naman.

1
$ 0.00

Comments