Edukasyon

0 4

Ano nga ba ang Edukasyon? Bakit kailangan natin ito? Para kanino ba ito?

Edukasyon? Ang Edukasyon ang isa sa pinakaimportanteng bagay sa ating buhay. Mayaman ka man o mahirap ay kailangan natin ito. Dahil ito ang magiging pamantayan natin sa ating hinaharap.

Sa Edukasyon marami tayong matututunan. Maari rin nating magamit ang mga natutunan natin dito sa pang-araw-araw nating pamumuhay.

Halimbawa nalang dito ay ang pagbabasa at pagsusulat. Isa sa pinakaimportanteng dapat nating matutunan ay ang pagsulat. Gayundin ang pagbasa upang sa ating hinaharap ay hindi tayo maging mangmang at walang alam. At upang hindi tayo maloko o malamangan. Dahil sa panahon natin ngayon ay marami na ang mapansamantala. Idagdag pa natin ang pagbibilang. Kailangan natin ito sa araw-araw. Lalo na kung may hawak tayong pera gaya nga ng sinabi ko, upang hindi tayo malinlang ng mga taong may masamang hangarin.

Oh diba? Edukasyon ang kailangan nang lahat. Pero paano nga ba ang mga taong walang kakayanin upang matustusan ang kanilang pag-aaral? Paano na ang mga pangarap nila? Ang sagot ko diyan, maari kang mag-enroll sa mga pampublikong eskwelahan. Dahil dito ay may mga libreng libro, notebook, lapis, ballpen, at kung anu ano pa. At dito dapat mong galingan sa iyong pag-aaral upang kapag ika'y nagtapos ng High School ay maaari kang maging iskolar lalo na kung mataas ang iyong mga grado.

Napansin ko lang, marami rami na rin ang nakapagtapos sa kanilang pag-aaral pero magugulat ka na lang sa mga balitang lumalabas ngayon sa social media. Sinigaw sigawan ang kahera o kaya kung sinong nakakababa sa kanila. Bakit? Eto ba ang natutunan nila sa kanilang pag-aaral?

Wag nating isisi ang ganitong ugali sa kanilang pinag-aralan. May mga tao lang sigurong hindi nagabayan ng tama ng kanilang mga magulang. Kaya ang ipinapayo ko sa lahat ng magulang na gaya ko, gabayan natin ang ating mga anak. Turuan natin sila ng tamang asal upang sa kanilang paglaki hindi lang ang Edukasyon ang kanilang natutunan, gayundin ang kabutihan at kababaan ng loob. Higit sa lahat turuan natin silang magpasalamat sa Panginoon.

Hanggang dito na lang at maulang hapon sating lahat. May God Bless Us All!

1
$ 0.00

Comments