Araw ng mga ama

0 4

Araw ngayon ng ating mga haligi ng ating tahanan. Papa, tatay, ama, itay, dada, daddy at kung ano pa man ang tawag natin sa kanila.

Pero di lang sila ang pwedeng batiin ngayon. Dahil alam naman nating hindi lahat sa atin ay may nakagisnang tatay. Marapat din nating batiin ang ating mga nanay na mag-isang nagpalaki sa atin. O kahit sino mang tao na nag-alaga at nagsakripisyo para maitaguyod tayo.

Sa lahat ng mga tatay, o nanay na nagpakatatay, maraming salamat po sa inyong sakripisyo. Sa lahat ng paghihirap na ginawa nyo kami ay lubos na humahanga sa inyong katatagan ng loob. Hiling lang namin para sa inyo ay bigyan nawa kayo ng ating panginoon ng malusog at malakas na pangangatawan. Naway wag kayong magsawang suportahan ang inyong mga pamilya.

Lahat ng paghihirap na ginagawa nyo para sa ating mga pamilya, balang araw ay makakamit din natin ang bunga ng lahat ng sakripisyo na ibinigay natin.

Wag lang natin kakalimutan na may pamilya tayo na umaasa sa atin at walang sawang sumusuporta at nagmamahal. Gabayan nawa tayo ng panginoong diyos upang ang masaganang buhay ay ating makamtan sa takdang panahon.

Kaya sa lahat ng mga ama at nagpaka-ama. Maligayang araw ng mga ama sa ating lahat. Naway patnubayan tayo ng Poong Maykapal sa ating paglalakbay. Hangad ko na maging masaya tayong lahat ngayon.

1
$ 0.00

Comments