Alaga

0 11

Magandang gabi sa inyong lahat. Kamusta kayo? Kamusta ang araw nyo? Maganda ba? Nakakapagod ba? Sino sa inyo ang may mga alaga? Ano ang mga alaga nyo? Mabalbon ba? May pakpak? Nangangalmot?

Alin sa mga yan ang inyong alaga? Ako? Ang alaga ko ay mga aso. Sobrang natutuwa ako sa mga alaga ko. Sobrang talino at lambing.

Halimbawa lalabas ako at may bibilhin, bago pa ako maka-akyat e nakaabang na sila sa hagdan. Para bang naamoy nila ako. Nakakatuwa diba?

Napakabilis din nilang matuto. Kamakailan lang ay nanood ako sa Youtube kung anong pwedeng ituro na mga tricks sa aso. Yung basic lang at ayun pinractice ko sila at natuto naman sila kaagad.

Sila din ang nagsisilbing pampawala ng stress ko. Ang pangalan nila ay Chinchin, Panpan at Chicklet.

Kayo? Anong pangalan ng mga alaga nyo? Malambing din ba sila sa inyo?

Mahalin natin sila gaya ng pamilya natin.

1
$ 0.00

Comments