Hi! Bago lang ako rito sa site na ito pero marami akong gustong sabihin. Marami akong gustong ibahagi sa inyo. Ang daming gumugulo sa isip ko. Kasama na rito ang nangyayari sa bansa natin.
Bakit ba nangyayari ito? Ano bang pinagmulan ng mga nangyayaring kaguluhan sa bansa natin? Bakit tayo ginaganito ng sarili nating gobyerno?
Ang daming pumapasok sa isip ko. Bakit imbis na magtulungan tayo upang maging maayos ang sistema sa bansa naglalamangan pa tayo? Diba? Mas pinipili ng tao ang lumamang sa kapwa kesa tumulong lalo na sa gantong problema. Nakakalungkot isipin.
Lalo na ung mga taong may kaya naman. May pera para tumulong sa kapwa pero di ginagawa. Kung may pera lang ako kung malaki lang ang sahod ko baka hindi lang mga aso sa lansangan ang napapakain ko.
Magtulungan ho tayo. Wag maglamangan. Mas kailangan tayo ng kapwa natin sa gantong sitwasyon. Sana matauhan na ang nasa may kapangyarihan at mabigyang pansin ang ating mga hinaing.
Hindi natin maikakaila na may mga kapwa talaga tayo na mapanglamang at makasarili.. sabagay hindi rin naman natin alam ang mga pinagdadaanan nila.. pero marami parin naman ang handang tumulong marami paring kapwa natin pilipino ang nakakaunawa sa bawat isa kahit sa simpleng bagay tumutulong sila.. ipag dasal nalang natin yung mga taong namamali ng landas...๐๐๐๐