Bakit kay dali sa iba ang balewalain ka? Bakit kay dali sa kanila na tanggapin na ikaw ay mawawala na? Mahal ka nga ba talaga? O sadyang wala ka ng halaga? Ang hirap noh? Ang hirap ng hindi mo alam kung saan ka lulugar. Ang hirap ng hindi mo alam kung ano talaga ang halaga mo sa kanila. O kung may halaga ka nga ba sa kanya.
Sa isang relasyon hindi mo talaga alam kung ito na nga ba talaga. Dahil madalas sa una lamang masaya. Pero pag tumagal na puno na ng problema. Problemang tila ba wala ng katapusan. Mga Problemang hindi na madaan sa maayos na usapan.
Sa unang pagsasama'y puno ng pagmamahalan at puno pa ng pagpapahalaga. Halos ayaw kang makitang nahihirapan. Tila ba ika’y isang princess o reynang sinasamba. Puno pa ng pagmamahal na tila ba wala ng katapusan. Puno ng pag aalaga na tila ba ayaw kang makitang napapabayaan. Halos araw araw puno ng paglalambing. Binibigay lahat ng iyong hiling. Araw araw “Mahal Kita” ang iyong maririnig, mga salitang labis na sayo’y nagpapakilig. Sa una’y hindi nya kayang tiisin na ika’y nagtatampo. Lahat ay ginagawa upang ang tampo mo’y maglaho.
Pero sa paglipas ng panahon lahat ay tila nagbago. Ang dating lambing puno na ng paghahambing. Ang dating pagmamahal ay di mo na maramdaman ng napakatagal. Dati ikaw ay reyna, ngayon ikaw na ang kontrabida. Sa tuwing ika’y nagtatampo, agad ng umiinit ang kanyang ulo. Dati'y ayaw kang makitang nahihirapan pero ngayon araw araw ka na nyang nasasaktan. Ang dating pag aalaga ngayo’y napalitan na ng pambabalewala. Ang dating “Mahal Kita” ngayo’y napalita na ng “Bahala ka na”.
Ganun na lang ba kadaling magbago? Sa isang iglap ang lahat ay tuluyan ng naglaho? Tila ba isa ka lamang laruan na pagkatapos pagsawaan ay bahala ka ng lumisan. Mas mahalaga na ang ibang bagay na sa kanya ay nagpapasaya. Tila ba ang inyong pagsasama ay wala ng importansya. Ang hirap tanggapin na wala ka ng halaga. Wala ng halaga ang bawat luhang pumapatak sa iyong mga mata. Ang sakit na hindi mo alam kung paano tatanggapin. Na ganun na lamang kadali at ika’y tuluyan ng balewalain.
Ganun na lang ba kadali? Hindi na ba maayos pang muli? Wala na bang pag-asang maibalik ang pagmamahalang dati'y puno ng pagkasabik? Kakayanin ko ba talaga kung sa aki'y ika'y tuluyan ng mawala? Mahal ko Bakit tayo nagkaganito? Bakit bigla kang nagbago? Bakit tila ok lang sayo na ako ay maglaho? Labis along nasasaktan pero kung talagang ganito ang iyong kagustuhan, titiisin ko na lamang ang labis na kalungkutan. Mawala man ako ngayon sa buhay mo, alam ko sa sarili kong lahat ay ginawa at tiniis ko para lamang tayo ay mabuo. Siguro nga ay hindi ka na masaya sa piling ko. Kaya hanggang dito nalang talaga tayo. Salamat na lamang sa lahat ng alaalang binigay mo. Hiling ko'y maging masaya ka sa bagay na mas pinili mo.
May mga ganyang pagkakataon po talaga na dumadating sa ating buhay.. na pagdaanan ko na din ang masayang pamilya at di naglaon ay sadyang nakakamalabuan na. Hindj kami nag away hindi kami nagkulang sa isat isa. Kusa na lang itong nagbago at nawala ng pagmamahal sa isat isa. Hindi din namin maintindihan kung bakit ganun ang nangyare. Pero ang masasabi ko lang naging masaya ako sa piling nya ng walang pag aalinlangan.
Ika nga po hindi tayo para sa isat isa.