"Balewala"

3 27
Avatar for nheng
Written by
3 years ago

"BALEWALA"

Masakit maramdaman na binabalewala ka lang

Para kang umaasa ng walang patutunguhan

Ang dating pag ibig na akala mo'y sayo ng buo

Paglipas ng panahon unti-unti ng naglalaho

Mahal ko bakit nga ba tayo nagkaganito

Asan na ang pangako mong hindi ka magbabago

Sa mga pinaparamdam mo sa akin sa bawat araw

Para bang ang mundo ko'y unti unting nagugunaw

Wala na bang pag-asang maibalik ang nakaraan

Kung kailan ang puso mo ay sa akin lamang nakalaan

Kay sakit tanggapin na ang lahat ay nag-iba

Para bang pinipiga puso kong patuloy na umaasa

Kailangan ba talagang ako'y tuluyan ng lumayo

Para tuluyan mo ng magawa ang lahat ng gusto mo

Kailangan ko na ba talagang tuluyang lumisan

Kahit alam kong ako lamang ang masasaktan.

Mahal ko kung talaga ngang wala ng pag asa

Gusto kong malaman mo na minahal kita ng sobra

Hindi ko kayang sa buhay ko'y ikaw ay mawala

Ngunit wala akong magagawa kung ayaw mo na

Sa aking paglisan sana'y ika'y maging masaya

Batid kong hindi mo na ako kailangan pa

Sana'y matagpuan mo ang tunay na kaligayahan

Kaligayahang kailanma'y di ko na mararanasan..

9
$ 0.15
$ 0.10 from @Jane
$ 0.05 from @PVMihalache
Sponsors of nheng
empty
empty
empty
Avatar for nheng
Written by
3 years ago

Comments

Dear friend how u ern this w.e.b plzzz guude m.e im new here...

$ 0.00
3 years ago

Keep on writing until Rusty notice you 😁

$ 0.00
3 years ago

..thank you sis, I will 😊💕

$ 0.00
3 years ago