Bawat kontinente ng buong mundo ay may mga natatanging mga bayani. Ang mga bayaning ito ay may mga natatanging kontribusyon sa kalayaan, kagandahan at kaginhawaan ng kanilang minamahal na bansa. Dito ay ibabahagi ko sa inyo mga natatanging bayani ng aking minamahal na bansang Pilipinas.
1. Doktor Jose Protacio Rizal
Si Doktor Jose Rizal ang tinaguriang Pambansang Bayani ng Pilipinas. Gamit lang ang kanyang dalawang isinulat na libro na may pamagat na El Filibusterismo at Noli Me Tangere ay nakipaglaban ito sa pamamagitan lamang ng pag-uugat sa kamalayan ng bawat Pilipino tungkol sa kahalagahan ng kalayaan ng Pilipinas.
2. Andres Bonifacio
Naging pondasyon ng Kataas-taasan Kagalang-galang na Katipunan (KKK) at ang tinaguriang rebolusyonaryong Pilipino. Ang KKK ay isang lihim na grupo para lumaban sa mananakop na mga Espanyol.
3. Heneral Antonio Luna
Isa sa mga hinahangaan ng mga Pilipino. Sa panahon ng rebolusyonaryong Pilipino, isa siya sa mga matatapang at magagaling na Heneral ng Pilipinas.
4. Apolinario Mabini
Kahit siya ay lumpo, tinagurian pa rin siya bilang Utak ng rebolusyon at tinawag na Dakilang paralitiko. Siya ay isa sa mga bumuo muli ng La Liga Filipina na sumusuporta noon sa pagrereporma ng Pilipinas.
5. Emilio Aguinaldo
Namuno sa hukbo ng Pilipinas sa kasagsagan ng pakikipaglaban kontra sa Espanya. Siya din ang kauna-unahang naging presidente ng bagong Republika ng Pilipinas.
6. Emilio Jacinto
Isa sa matataas na opisyales ng rebulosyonaryong Pilipino at ng Katipunan. Naging kilala si Jacinto dahil sa kanyang mga aklat-aralin tungkol sa kasaysayan ng bansang Pilipinas at sa pagiging Utak ng Katipunan.
7. Gabriela Silang
Siya ay asawa ng isang matapang na Pilipino na si Diego Silang. Si Gabriela ay isang matapang babae sa kapanahonan ng himagsikan. Siya ang pumalit sa pamumuno ng kanyang asawa sa grupo ng pakikipaglaban mula ng mamatay ito sa pakikipaglaban sa mga kastila.
8. Francisco Balagtas Baltazar
Ang itinayag na "William Shakespeare ng Pilipinas" kaya siya ay tinawag na "Prinsipe ng Manunulang Pilipino dahil sa impluwensya nito at kontribusyon sa panitikang Pilipino. Ang pinakasumikat niyang sulat as tungkol sa pag-iibigan ng dalawang magkasintahan at tinawag na "Florante at Laura".
9. GOMBURZA
Ang salitang ito at nagtutukoy sa tatlong mga Katolikong Pari ng Pilipinas na sina Marinao Gomez, Jose Burgos at Jacinto Zamora. Sila ay binitay ng mga espanyol dahil umano sa pagiging utak ng pagbabasak na siyang rason ng Cavite mutiny noong 1872.
10. Gregorio del Pilar
Ang batang heneral noong digmaang Amerikano-Pilipino at noong rebolusyong Pilipino na lumaban para sa kalayaan ng Pilipinas. Naging kilala siya dahil sa matagumpay nitong pagsalakay sa kampo ng mga kastila sa lugar ng Paombong at sa kanyang laban sa Tirad Pass.
Maraming salamat sa pagbabasa.
Pahabol na salita : Ako ay bago lamang sa platapormang ito at sana ay mapagpasensyahan ninyo kung may kamalian kayong nakita o makikita sa ginagawa o gagawin ko. Gagawing ko lahat upang kayo ay mabigyan na kaaya-ayang mababasa hanggat sa makakaya ng aking abilidad.
Ako nga pala si kado. At inaasahan ko ang isang magandang karanasan na aking masasalamuha mula sa inyo at sa platapormang ito. Maraming salamat!