what???healthy na instant noodles?
breakfast😋🍲 marahil alam na po ninyo na ang mga instant noodles ay di maganda sa ating kalusugan. hindi po sya healthy kumbaga. pero sa kagaya ko na pinapahalagahan ko yung kalusugan ko pero gustong kumain ng mga instant noodles. meron po tayong paraan para makakain pa din po tayo ng instant noodles. **paano sya gawing healthy noodles???** ganito po yun,pakuluan nyo po muna yung noodles,wag po masyadong lutuin yung noodles. isang kulo lng pwede na,tapos itapon nyo po yung tubig. magpakulo ulit ng tubig at ilagay yung kung anong gulay po na meron kayo.o kung anong gulay gusto nyo. pag medyo luto na yung gulay nyo. lagay nyo na po ung noodles na pinakuluan nyo kasama na rin yung seasoning. pwede nyo rin po lagyan ng boiled egg sa ibabaw ung noodles pagkaserve nyo. sana po nakakatulog to sa inyo. salamat po sa pagbasa😊 comment and subscribe nlang po. salamat ng marami😉💖
32 comments
Masarap nga pag minsan kumain ng noodles..ako naman nilalagyan ng malunggay at hinahalo ko ang itlog at seasoning lang OK na..
yes po,ganun din po ginagawa ko. mas ok sya pag nilalagyan ng gulay. para makabawi sa seasoning na nilalagay.
Opo masarap Po talaga Yan wag lang magpasubra nakakasama Rin hinay hinay Lang din sa pag Kain ng Noddles.
yes po,di rin nman po talaga maganda sa health yung palaging instant foods nlang yung kinakain
Nilalagyan ko rn ng gulay saka itlog pg ngluluto ako ng noodles un nga lng never ko pa nagawang pakuluan muna tpos itapon ung pinagpakuluan.
yun po pala dapat na gawin,kelangan pala pakuluan muna yung noodles. may kemikal po sya,at isa pa. di rin po natin alam kung paano sya ginawa kaya mas mainam din talaga na pakuluan muna.
Tagal ko na kumakaing ng noodles ngaun ko lng nlaman yan hehehe..lalo na nung nglockdown pero evry other day nman d nman arw arw
Gagawin ko nga dn yan pakuluan muna tpos lgyan ng panibagong tubig..Salamat po sa article na to my nalaman na nman ako 😁
most welcome po. mahilig po kasi akong mgbasa about sa mga healthy foods at kung paano gawing healthy yung kinakain natin. at isa na din tong noodles sa nabasa ko. kaya sinishare ko dito😊
Thank you sa tips po. Laking tulong po lalo at masustansya ito. More food blogs po!
thank you din po😊 dadamihan ko pa yung mga articles ko tungkol sa amsustansyang pagkain. stay fit and healthy po😊😉
wow ang galing naman po,salamat po sa tip,for sure gagawin ko po yan..at siguradong ang ilalagay ko po ay malunggay..isa sa pinakahealthy na leafy vegetable po yan..i will try it soon..salamat po ulit sa tip😊
maraming salamat din po sa pagbasa at pagcomment dito sa article ko maam. sige po subukan nyo po ito gawin sa inyo. madali lng po talaga syang gawin.
Thanks for sharing this information.
thank you also for giving your time reading my article.
Salamat po sa share ng inyong lutuin try ko po yan para matikman ko kaya gagawin ko yan sa bahay
sige po maam,subukan mo po gawin sa inyo. lalo na ngayon maraming relief na noodles. wag lang po natin kalimutan na pakuluan muna yung noodles at itapon yun tubig. saka mgpakulo ulit para na sa gagamiting sabaw ng noodles with gulay nyo po.
Noodles is very easy rasipe.my favourite disease is noodles.this racipe is yamme.
yeah,its yummy😂😂😂try to prepare like this in your home😉
ganyan din po ginagawa namin dito sa bahay dahil nga health conscious. Madalas ayaw kaming pakainin ni papa ng noodles kasi nakakamatay daw (ang OA lang) pero paminsan minsan pinagbibigyan naman pero nilalagyan namin yan either ng malungay, patola, petchay o kung anumang gulay na makukuha sa bakuran. Masarap naman at healthy pa.
yes po. may tama naman po yung papa nyo. sounds like OA lng po pero may tama sya. kaya kelangan po,pakuluan muna natin yung noodles natin taz itapon yung unang kulo. at lagyan din po natin ng mga gulay para makabawi sa kemikal ng seasoning.
I love noodles very much. it is really very delicious food and this recipe is very easy. thank you so much.
yes maam or sir? really dont know if youre a girl or boy😃😂anyway,try to cook this kind of noodles in your home. its very easy.
Solid! I love to eat healthy foods. Masubukan nga :)
ay,solid po😉dali subokan mo na. mas maganda sya sa malamig na panahon. hehe...
salamat po sa pamamhagi ng inyong way para gawing healthy ang pag kain ng instant noodles dahil sa marami ang nkaka alam n kahit na gaano kadali at kasarap ang kumain ng instant noodles ay hindi talaga ito healthy pero dashil sa iyong article siguro ay may mga members dito na mag iiba ang pananaw sa pg kain ng instant nodles
walang anuman po sir. maraming salamat din po at binigyan mong pansin itong article ko. i'm sure po na gagawa pa ako ng marami pang article patungkol sa mga pagkaing masustansya.
likewise po sa inu maam cge po antabayan ko pa ag ibang nu pang mga article about healthy foods ingatz
salamat po sayo. ingat din po sir😊
ginagawa ko din to, ung papakuluan ng kaunti tapos itatapon.. para ma wash off ung wax and other chemicals sa noodles
Good poyan lalo na ngayon na puro instant noodles ang pagkain gawa ng covid😅
ginagawa din namin yan noodles with malunggay leaves para maging healthy kahit panu ang noodles