Happy Fathers day💖

0 6

Happy fathers day po sa lahat ng mga ama💖🤠

happy fathers day,lalong lalo na sa papa ko. mahal na mahal po kita papa💖

magbibigay lng po ako ng konting kwento tungkol sa kung gaano ako kaswerte sa papa ko.

isa po ako sa mga anak na di nakasama yung mga magulangg sa paglaki nila. sa lolo't lola ko po ako lumaki,isang taong palang ako ay kinuha na ako ng lolo ko sa magulang ko. magulang ng mama ko.

sa kanila na ako namulat,lumaki at nag aral. yung tipong sila na yung kinikilala kong mama at papa.

hanggang dumating yung time na nawala yung lolo ko. year 2005...15yrs old ako nun. at napag pasyahan nila na dun na muna ako tumira sa mama at papa ko,pero dahil nga sa di ko sila nakagisnan,di ko ramdam na parte ako sa pamilya nun,dahil di rin ako sanay na maraming kasama sa bahay. naglayas po ako😱 yes po,naglayas ako!

at dun,ngsikap ako mag isa. nag working student ako. pero kalaunan di ko na rin po nakayanan pag aralin sarili ko at napasama na din sa mga barkadang di nkakadulot ng maganda sa buhay.

umuwi ako samin at tinanggap naman nila ulit ako. hanggang sa nagdesisyon ako na umalis ulit. nagtrabaho ako sa maynila. at dun ko na nakilala yung naging tatay ng 2 kong anak. at ito na po,dito nyo na malalaman kung bakit nasabi kong napakaswerte ko sa papa ko.,

nabuntis ako nun,at naghiwalay kami nung tatay ng anak ko. tumawag ako sa papa ko at sinabing buntis ako pero naghiwalay kami ng tatay ng pinagbubuntis ko. di ko alam pero,di ako pinagalitan ni papa. instead kinamusta nya ako kung ok ba ako😥😢sobrang naiyak ako nung time na yun.

at dumating na sa oras na malapit na akong manganak,bumyahe yung mama at papa ko mula davao to manila para lng suportahan ako💖💖😭iniwan nila pansamantala yung mga maliliit ko pang mga kapatid para lng sakin. dun ko naramdaman kung gaano nila ako kamahal. di lng yun isang beses na ngkamali ako ng ganun. ngkabalikan kami ng tatay ng anak ko at nghiwalay na nman kami,umuwi ako ng davao dala ko yung panganay naming anak na di ko alam buntis pala ako. ngwork ako dun lng malapit samin magulang ko nag alaga sa anak ko,tinago ko na buntis ako. di nila nahalata kasi maliit lng naman tiyan ko. hanggang sa nanganak na ako at dun lng nila nalaman,nasa hospital na ako nun. di ko makalimutan yung araw na yun na madaling araw tinawagan sila ng mga kadamahan ko sa trabaho para pumunta sa hospital. dali dali naman pumunta yung papa ko para samahan ako dun. nagsosorry ako nung time na yun sa papa ko,pero ang sagot nya lng ay...."wag ka na mag isip anak,magpalakas ka muna. nangyari na yan. wala na tayong magagawa" 😭😭💖 dito ko na po tatapusin ang sulat ko,dahil di na kaya ng luha ko. tulong tulo na. na touch lng po ako at nabalik lahat nung feeling ko sa lahat ng mga nngyari sa buhay ko nun. hanggang ngayon,nandyan pa rin si papa handang sumoporta sa lahat ng disisyon ko. maraming salamat po sa pagbasa nitong article ko. God bless po.

1
$ 0.00
Sponsors of msJen
empty
empty
empty

Comments

Pray po lagi ate girl.. Si God lagi my dahil lng bkit nangyayari ang lahat n ito...

$ 0.00
4 years ago

yes po,salamat😊 godbless and take care.

$ 0.00
4 years ago